POV REI
NATAPOS ang spell ni Thade at ni Amihan. Successful naman nilang napakawalan ang mga souls ng mga marked witches na naging sacrifice kay Ahabaddon, pero mukhang walang epekto ito sa dambuhalang monster na pinakawalan ni Ahabaddon nasa Sky Island.
Tama si Riku, mukhang pinahina lang nito si Ahabaddon.
"The Arcane Lord knows about both of you?" tanong ni Thade nang marinig niya ang usapan nila Mason sa loob ng Globus Gloom.
"He is the Arcane Lord, the most powerful wizard. I already have a feeling that someone is watching us," sagot ni Sage.
"Yep, ako din. Pakiramdam ko din palagi may nakatingin sa atin lalo na kapag kumakain tayo ng Chicken Joy."
"Grandmy, tig-isa kayong bucket ng Chicken Joy eh. Talagang may mga titingin sa inyo sa takaw niyo! Anyway, the Arcane Lord would like to initiate a Triad Magic. Only Arcane Lord-level wizards can do that. He will transfer your Guardian powers to Uncle Mason for three minutes to defeat Ahabaddon."
"Thade, there are no means to defeat Ahabaddon. Kahit si Abraxas ay sinabi na din ito. We just have to imprison him back to the abyss," sagot ni Sage sa kanya.
"And how do you propose to do that, Grandy? Uncle Mason has only three minutes to execute your plan."
"Sadly, Triad Magic will not work. Triad Magic only works on human wizards and witches. Hindi applicable sa amin ng Grandmy mo ang ganung klase ng magic, human magic."
Umupo si Sage sa white floor na para bang nawalan ng lakas. Sigurado ako na may tumatakbo na sa kanyang Plan A to Z, pero tinitimbang niya muna kung ano ang best option namin na may highest success rate.
"I think Ahabaddon is not alone," sabi ni Sage habang nakapikit.
"Grandy, anong ibig mong sabihin. He is not alone. He has the reincarnated Jezebel and that gigantic creature from the abyss."
"The Guardian Scribe Gideon is believed to be the oldest Guardian. He was there at the beginning during the time of the Immundus. According to Mason, Ahabaddon was probably a Guardian before transforming into an ancient demon based on his black wings. Guardians are always in pairs. What if there is another ancient Guardian aside from Ahabaddon? "
Si Raviael at si Lilith ang first set of Guardians. Sumunod naman kami ni Sage. What if meron nga na partner si Ahabaddon na isa pang Guardian?
"Uhmmm, mahal na mga Kamgaalag. Wala po nabanggit ang unang Kaliyah tungkol kay Ahabaddon, pero nabanggit mo niya ang tungkol kay Locust King at ang isa pang makapangyarihan na nilalang na nagkulong dito," sabi naman ni Amihan.
"Nilalang? It means hindi si Super Boss Optimus Prime ang nagkulong kay Ahabaddon?" tanong ko sa kanya.
Lumapit si Amihan sa bookshelves at kinuha ang isa na naman na leather covered book at ibinigay sa amin. Luma na ito pero malamang ay translated na ito dahil nasa wikang Latin na.
"Nasira na po ang orihinal na kopya, pero ito po ay naisalin na ng mga nakaraan na Kaliyah. Ang nagsulat po nito ay isang Kaliyah na nanirahan saglit sa Roma noong 3th to 6th century. May kakayahan po ang mga Kaliyah na makita ang parte ng isang hinaharap. Dito nabanggit si Locust King," sabi ni Amihan.
Tinapik ko ang likod ni Thade dahil kahit Guardian ako ay hindi ako marunong bumasa ng ibang lenggwahe. Kahit nga ang mga K-Drama na pinapanood ko ay may subtitles.
"It is said here that the Locust King was imprisoned in the abyss by a powerful winged creature named Adelailah. However, the Locust King is too powerful. In order to imprison him, Adelailah needs to be imprisoned with him as well. Do you think Adelailah is another Guardian? Ahabaddon's original Guardian partner?" tanong ni Thade sa amin.
"That is highly possible as Guardians are always in pairs just like Raviael and Lilith. But where the hell is Adelailah?"
Lumapit si Amihan kay Thade at hiniram ang libro na hawak nito. Binuklat niya ang mga pahina hanggang makarating sa dulong parte ng libro. May black and white drawing ito ng isang babae na may puting pakpak. May hawak itong espada at nakatutok sa leeg ng isang lalaki na may itim na pakpak.
This reminds me of the famous Gin logo in the Philippines...
"Ang unang Kaliyah ang gumuhit nito. Ang lalaki na may itim na pakpak ay ang tinatawag na Locust King. Si Adelailah naman ang babaeng kasama niya. Kapag nakawala si Locust King sa kanyang kulungan ay magkakaroon ng mga sakuna. Ang tanging makakapigil dito ay ang pag-iisang dibdib ng Kaliyah at Kamgaalag. Iyan po ang turo sa amin ng mga naunang Kaliyah."
"But where the hell is Adelailah? Is she on our side or another addition to our invincible enemy?" tanong ni Thade sa kanya.
"I think I know exactly where she is," sabi ni Sage na ipinakita sa amin ang laman ng Globus Gloom.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...