POV HAILEY
ANG potion na ginawa ni Professor Kent ay isang precautionary measure lang daw in case may estudyante na magpractice uli ng Dark Magic sa school. Unfortunately, hindi daw nito kayang ma-detect ang Dark Magic na ginamit sa swimming pool area kung saan may murder victim.
"May past pala si Rayah at si Professor Kent?" tanong ko kay Mason habang naglalakad kami sa corridor ng CRAM school.
"Rayah's graduation gift was a vacation trip in Saint-Tropez, France from her parents. Doon niya nakilala si Kent Doherty, isang coffee shop owner. Hindi pa estudyante noon si Rayah sa CRAM kaya hindi niya alam na nagtuturo dito si Kent. It is like a whirlwind affair, but Kent's ex girlfriend wanted him back."
"At nakita ito ni Rayah? Caught in the act?"
"Something like that."
"Hindi niya alam na witch din si Rayah?"
"That's right. Bago dumating si Rayah sa CRAM, nasabi na sa akin ni Kent ang nangyari. He was so depressed about what happened. He tried to find Rayah, but she already left France. At nang magkita sila dito, doon mas lalong nagalit si Rayah sa kanya. She is deliberately flirting with other men to get back at Kent."
"Do you think she still likes Profesor Kent?"
"I think so, but pride is getting on her way. Si Kent naman, masyadong nilamon ng takot."
"Kaya pala siya crush na crush niya si Xadrian Ferrero. Pinapamukha lang pala niya ito kay Professor Kent. Siya ba ang tinutukoy ni Professor Kent nang sinabi niya na - I want her back?"
"Malaki na sila. They can deal with their own problems. I have a bigger problem that I need to face."
Misunderstanding lang ang nangyari kay Rayah at kay Professor Kent. Kung mag-uusap sila ng maayos, magkakaroon ng linaw ang gulo nila. Pero ang kinakaharap namin ni Mason ay tila walang pag-asa.
No one cannot stop me from exploding. They can only slow down the process, but at the end of this mess, I will still detonate like a bomb.
"Mason, isa ba akong problema sa'yo?"
"Yes, you are a problem to me."
"Pabigat ba ko sa'yo? Pakiramdam ko isa akong tumpok ng suliranin sa'yo. Isang pagsubok na hindi mo malalagpasan."
Tumigil si Mason sa paglalakad at tumingin sa akin. Nakakunot ang noo niya na tila nagtataka kung bakit ko tinatanong ang mga bagay na ito.
"Hailey Shade, nagda-drama ka ba?"
"Sort of? Obvious ba?"
"To answer your question, yes pabigat ka sa akin. But I have no choice. You are my responsibility now," sagot niya sabay naglakad palayo sa akin.
Tsk! Alam pala niya na nagda-drama ako, hindi man lang ako nilambing?
Padabog ako sumunod kay Mason. Alam ko naman na pabigat ako sa kanya dahil nautusan lang siya ng parents niya na bantayan ako. Siya lang naman ang nilalang dito sa CRAM na hindi affected ng Dark Magic, kaya wala siyang choice.
"Hailey Shade."
"Ano? May sasabihin ka pa?"
"You may be a problem to me, but you are the kind of problem that I would love to solve. And I will not just stand here and watch you blow up into pieces. We will find a way to fix you, my dear pet," nakangiti na sabi niya sa akin sabay haplos sa buhok ko.
Marunong pa lang maglambing, kailangan pa ko galitin!
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasía[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...