CHAPTER 96 - CLOUDS

1.1K 101 4
                                    

POV HAILEY


MULA dito sa Sky Island ay nakikita namin sa langit si Thade at ang isang babae na kasama niya. Nandoon din ang parents ni Mason na sina Sage Elizalde at Rei Elizalde. Mukhang hindi gagana ang suggestion ni Riku na gamitin ang Triad Magic kay Mason.

Tahimik na nakatingin si Riku sa langit. Mukhang pinagmamasdan niya mabuti ang binabasa ni Thade at ng babae sa isang makalumang libro tungkol kay Ahabaddon.

"Riku, are you familiar with the books that they are reading?" tanong ni Mason sa Arcane Lord.

"I have seen the same illustration from an ancient medieval book. It was written by a monk who was considered a prophet during his time. He is like the unpopular version of Nostradamus."

"Are you referring to the Codex Gigas or the Devil's Bible?"

"No, these illustrations were from an unnamed book that was destroyed a long time ago. I saw this in the form of a vision when I visited an old monastery in Czech Republic."

"Riku, are capable of seeing visions?"

"That was the first and last time that I have experienced that, Mason. I collapsed afterwards. All along, I thought I was just dreaming about Guardian-like drawings. Ngayon nakita ko ang libro na 'yan, nakakasigurado ako na hindi panaginip ang nangyari sa akin noon," sagot ni Riku sabay nguso sa langit.

Umupo ang Arcane Lord sa lupa at lumapit sa kanyang tabi ang dambuhalang Polar Bear, pero bumalik uli ito sa kanyang cute cub-size form. Kahit ang aking Grizzly Bear na si Joaqui ay naging tila small brown bear din. Umupo kami ni Mason sa tabi ni Riku dahil mukhang wala kaming pag-asa na talunin ang malaking kamay na dahan dahan lumalabas sa Citadel of the Sky.

"Sir Arcane Lord, bakit po parang natulala kayo?" tanong ko sa kanya habang nakayakap sa small brown bear.

"In my vision, that monstrosity will be defeated by another gigantic creature. It is like a fight between good versus evil."

"May darating po tayo na back-up na kakampi?"

"Parang ganun na nga. But I am much worried of what will happen next----"

Biglang yumanig ang buong Sky Island na parang nasa may napakalakas na lindol. Nag-transform din ang aming mga Chimies sa kanilang dambuhalang version.

"We have to get out of here. The Sky Island will soon fall," sabi ni Riku na sumakay sa kanyang gigantic Polar Bear.

Sumunod naman kami ni Mason sa kanya at mabilis na tumakbo ang tatlong bears papunta sa dulo ng Sky Island kung saan kami pumasok.

"Sir Arcane Lord, how do you plan to cross the sea of clouds? Hindi po kasya sa mga airjetsky ang mga Chimies!" sigaw na tanong ko sabay turo sa napakalawak na ulap sa aming unahan.

"Dragons can fly!"

"Pero mga bears po ang mga Chimies natin! Wala po silang wings!"

"Penguins have wings, but they cannot fly! Our Chimies may not have wings, but I am positive that they can fly!"

"Sure po ba kayo, Sir Arcane Lord?"

"Honestly, I am not sure! I am just hoping that we will not die!"

Tinignan ko si Mason habang mahigpit na nakahawak sa kanyang giant Panda Bear. Tumango lang ito sa akin na parang sinasabi na magtiwala sa Arcane Lord. Mabilis na tumakbo ang mga bears palayo sa Citadel of the Sky.

Nang marating namin ang dulo ng Sky Island ay isa isang tumalon ang mga dambuhalang bears sa ulap. For a few seconds, para kaming lumulutang, pero hindi ko inaasahan na bubulusok din kami pababa. Para kaming tumalon mula sa napakataas na plane para mag sky diving pero hindi namin makita ang ilalim dahil sa ulap.

Pumikit ko at mahigpit at kumapit kay Joaqui the Grizzly Bear habang pababa kami sa mga ulap. Sana lang ay hindi kami sa molten magma bumagsak.

Iniisip ko pa lang kung pwede kami mag-landing sa ilalim ng Sky Island nang biglang lumakas ang bugso ng hangin. Pagdilat ko ay lamabas kay Joaqui ang isang pair ng glittering wings. Bumwelo ito at umakyat muli sa mga ulap. Kahit ang bear ni Riku at ni Mason ay mukhang may wings din na nasa bandang unahan ko.

"Sir Arcane Lord, may wings ang mga bears natin!"

"The legendary Chimies are supposed to follow the desire of their masters. I was longing for them to appear as winged dragons, but I guess one of us wanted a cute version of Chimies. Sino kaya sa atin 'yon?" tanong ni Riku at pareho silang tumingin sa akin ni Mason na parang ako ang salarin.

"Wala po akong kinalaman diyan ah? Ayoko lang ng dragon, baka gawin akong ulam."

Ngumiti lang sa akin si Mason. Hindi ko alam kung bakit ang wish ko sinunod ng mga Chimies. I guess mas okay na ito kaysa sumakay kami sa nakakatakot na dragons.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon