POV HAILEY
HABANG nasa kalagitnaan ng meeting ang CRAM representatives ay biglang lumapit sa kanila si Mason. Mukhang siya ang adviser ng mga CRAM reps.
"Professor, is it true? Is it really a Death Worm?" nag-aalala na tanong ni Mykyta na humawak pa sa braso ni Mason.
At may physical contact na nagaganap?
Ayaw sa kanya ni Rayah at mukhang ayaw ko na din sa kanya kahit wala pa siyang ginagawang masama sa akin.
"There was an attack in the school grounds a few minutes ago. A Death Worm appeared and two students were almost eaten alive. Good thing, Professor Anya Graham is just nearby for her morning jog. She defeated this thing in a matter of seconds."
"Sino si Anya Graham Crackers?" bulong na tanong ko kay Rayah.
"Offensive Magic Professor. She is good when it comes to fire magic. Siya ang personal trainer ni beshie Xyder. Pakinggan natin ang chismax ni Uncle Mason."
Mabuti na lang at malapit kami ni Rayah sa mga CRAM representatives kaya naririnig namin kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Professor Mason, bakit magkakaroon ng Death Worm dito? The school is protected by a powerful magic. We are literally in a different plane. Sa pagkakaalam ko, wala dito ang Death Worm," tanong ni Mykyta.
"We are not sure yet, but the Provost thinks that a wizard somewhere is messing with Teleportation Magic. This is just an accident. No need to panic," sabi ni Mason sabay tingin sa akin.
"Prof, the students are all panicking. Death Worm is a creature that eats magical creatures, like us," dagdag uli ni Mykyta.
"Mykyta, if the professor told us not to panic, no need to panic, okay? I am sure our good Provost will raise an additional barrier around the school. This is just an accident, an isolated case."
Gusto ko maniwala kay Xyder pero parang may mali sa mga nangyayari. A part of me thinks that this creature was here because of me.
Pinabalik ang mga estudyante sa dormitory at nahinto ang aming tour sa school. Mukhang may emergency meeting din ang mga CRAM representatives dahil wala si Thade at si Xyder sa aming dormitory living room.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakahiga na si Mason sa ibabaw ng kama ko.
"Good morning, Professor Mason. Binibisita mo ba ang girlfriend mo using your hologram?" nakangiti ko na tanong sa kanya.
"The Provost thinks that the Death Worm is after you."
"Damn! Akala ko maghaharutan muna tayo! Bad news agad?"
"I don't beat around the bush, my dear pet," sabi niya at tinapik na naman ang kama para lumapit ako sa kanya.
"Mason, kung ako ang hanap ng wormy monster, eh 'di ilipat mo ko sa ibang lugar. Bakit hindi mo ko dalhin sa isang remote island? 'Yong tayong dalawa lang? Safe ang mga students at solo kita?"
"Naisip ko na 'yan dati pa, but the Provost would like to personally keep an eye on you. May pakiramdam siya na taga CRAM or may access sa CRAM ang may gawa nito."
"It means, ang suspect lang ay ikaw, ang Provost at ang dalawang professors? Kayo lang ang may alam tungkol sa akin, 'di ba?"
"It is also possible that the culprit does not know who is the Ultima Incantatrix, but somehow felt your presence."
"Can you feel it? My presence? My dark magic? Mason, wala akong kahit anong maramdaman na kapangyarihan or super powers. Ang tangi kong nararamdaman ay mainit ako na parang may lagnat."
"That is your Dark Magic or..."
"Or ano? Hindi ko gusto ang naughty smile mo."
"Or you are horny."
"Excuse me? Hindi ako horny noh? Ano tingin mo sa akin? Pinagpapantasyahan ko ang hard chest and muscular arms mo? Hindi ko nga tinitignan ang iyong gorgeous ass mo kapag nakasuot ka ng fitted slacks! Duh! Feeling mo iniisip ko halikan ang sexy lips mo?"
"I believe you. Mukhang wala ka naman pagnanasa sa boyfriend mo."
Huminga lang ako ng malalim. Kahit binibiro ako ni Mason, mukhang nag-aalala ito base sa kanyang mukha.
"So ano nga ang mangyayari sa akin?"
"I don't know. Maybe you will also explode just like your demon warlock father."
"Wow, that's comforting. Boyfriend ba talaga kita? Dapat hindi mo ko tinatakot. Dapat yakapin mo ko dahil baka na-shock ako sa balita tungkol sa monsters."
"I need to go, I will hug you later, my dearest pet," sabi ni Mason at biglang naglaho ang kanyang hologram sa ibabaw ng kama ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasi[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...