POV SAGE
PUMASOK ako sa loob ng kwarto at nandoon si Rei na nanonood ng kanyang paboritong TV series habang kumakain ng kanyang cookies.
"May dala na cake at ice cream si Thade. Gusto mo ba?"
"Talaga? Siyempre gusto ko!" sagot niya sabay turn-off ng television, pero humarang ako sa kanya bago siya tuluyan na makalapit sa pinto.
"Isa kang balakid sa daan ko, Prinsipe Isagani. Mawalang galang na, baka pwedeng lumayas ka sa harapan ko."
"Uunahin mo pa ba ang cake at ice cream kaysa sa akin?"
Lumapit ako sa kanya at dahan dahan naman siyang lumalayo sa akin hanggang mapa-upo siya sa aming kama.
"Cake and ice cream versus Sage Elizalde. Mukhang mahirap pumili ah?"
"I will make it easier for you, babe."
"Are you going to show me something more delicious, more luscious and more scrumptious?"
"Yes, something like my pet."
Tumawa lang siya sa sinabi ko at biglang huminga sa kama.
I was about to remove my pants when I suddenly felt an ominous presence. A familiar dire presence that we learned to love.
This is definitely our son, Mason.
Kahit si Rei ay napakunot ang noo dahil naramdaman niya na parating na si Mason. Alam niya din na hindi matutuloy ang binabalak namin na kalokohan.
"Let us continue this later, babe. I am going to show you what the word scrumptious really means."
"Can't wait, Mr. Scrumptious."
Paglabas namin ni Rei ng aming kwarto ay wala pang ilang minuto ay kumatok na si Mason. May dala din siyang mga Pork Floss Bread na paborito ni Rei. Nagsimulang maghanda ng pagkain si Rei para sa amin, samantalang si Thade naman ay busy sa pagbabasa ng libro sa living room.
"Mason, can I talk to you for a second?"
I asked him to follow me to the balcony where we can privately talk about the Ultima Incantatrix. Alam ko na nahihirapan si Mason sa ngayon at gusto ko maramdaman niya na nandito kami ni Rei para sa kanya.
"Nakausap ko si Hailey bago kami umalis ng CRAM. Nag-usap na ba kayo?" tanong ko sa kanya sabay abot ng isang beer in can.
Noong buhay si Jared, nagkakaroon lang ng katawan si Mason minsan sa isang taon. Pero nang mamayapa si Jared ay nagkaroon na siya ng permanente na katawan. Tingin namin ni Rei ay gawa ito pareho ni Jared at ni Maddie para mabigyan ng pagkakataon mabuhay ang kapatid nila.
Or maaring ang aming Super Boss din ang may gawa nito.
"She was angry at first, but I told her that it is the only way to avoid this catastrophe."
"At pumayag siya?"
"No, dad. Hahanap daw siya ng paraan para mapigilan ang pagsabog niya na hindi kinakailangan na magbuwis ako ng buhay. Maybe this is the reason why I am still alive. This is my purpose. To save Hailey and to save this rotting world."
"Mason, we can try to get you out of The Void, but there may be repercussions once we do that."
"Like what? If you can get me out, I think that solves the problem."
"The Void is a plane which is not here on earth. The time and the space in this world are twisted. Maaring mawala ang katawan mo at bumalik ka sa pagiging black smoke. Maaring mapunta ka sa ibang panahon. Maaaring mawalan ka ng memorya tungkol kay Hailey."
"I don't think that would be an issue. Dad, you lost your memory twice. Noong una nang mawala ang Vampire Curse at ang pangalawa ay noong maging Demon King ka, but you end up with mom."
"Are you trying to tell me that you will end up with Hailey no matter what?"
"Dad, she is just a kid. College student lang siya."
"And I was a 500 year old vampire when I fell in love with a college student."
"Dad, that was different. Harot ka kay mommy. You want her for the first time that you have seen her. Na-love at first sight ka sa kanya, aminin mo."
Ngumiti lang ako kay Mason. Hindi ko pa ito nasasabi kay Rei, pero hindi ko na siya makalimutan noong unang kita ko pa lang sa kanya na kasama niya si Silawin. Parang nagkita na kami noon, parang may nakaraan at koneksyon na kami noon na hindi ko maipaliwanag.
Mason is actually right, I think I fell in love at first sight with Rei.
"Dad, not just her blood, you are damn attracted to her. Will you waste your time going to the same school with her if you do not like her? You even use her as your living blood bag because you can't get enough of her. You are crazy about her and I guess you haven't told mom that you fell in love with her when you first saw her. Kami ni Hailey, we are just---"
"Friends? Come on, Mason. You will not die for her if she is just a friend. I guess you are crazier than me and I think it runs in our blood."
Ngumiti lang din si Mason sa akin. Simula nang magkaroon siya ng katawan ay palagi niyang sinusubukan gumawa ng mabuti. Siguro ay gusto niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya noong bago pa kami dumating sa buhay niya.
"Sage, we have a big problem," sabi ni Rei na biglang pumunta sa balcony.
"Anong problema?"
"Si Jezebel? Hindi lang siya sirena at hindi lang siya ordinaryong dark witch. She is something else."
Nagkatinginan lang kami ni Mason at pumasok sa loob ng bahay. Mukhang hindi maganda ang nadiskubre nila tungkol kay Jezebel.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...