First Month
Dan's POV
"One, two, three... smile!"
Wala kaming nagawa ni Rem kundi ang mag-pose at ngumiti para kay M na panay ang kuha samin ng pictures at sunod-sunod pa nga.
"Kuya! Ngumiti ka naman. Mukha ka namang namatayan diyan!" Reklamo ni M bago marahang inayos ang beach cap na suot niya.
Sinulyapan ko si Rem na nasa tabi ko. Hindi ko maiwasang matawa matapos kong makita ang nakabusangot nitong mukha. Iniyakap ko ang isang braso ko sa bewang niya at mahinang bumulong.
"Still mad at me?"
Hindi ito umimik at isang "tsk" lamang ang naitugon.
"Oh, oh. Ganyan nga! I love that pose. Wag muna kayong gagalaw ha."
Sigaw pa ni M na walang kamalay-malay na nagtatampo na sakin itong kapatid niya.
"Perfect! Awww ipa-frame niyo dapat 'to after ha? Ang gaganda ng kuha niyo."
Ngiting-ngiti pa na dagdag ni Memory habang isa-isang tinitingnan ang mga kuha niya sa amin.
"Tapos na ba? Masyado nang mainit. Babalik na ko sa cottage."
Kusang tinanggal ni Rem ang braso kong nakpalibot pa rin sa kanya. Mabibigat ang bawat hakbang nito habang naglalakad pabalik sa cottage namin.
Lagot ka, Dan. Mukhang galit pa nga rin talaga.
"Uhm, M... babalik na rin siguro muna ako sa cottage." Paalam ko.
"Sure thing. Go ahead, lovebirds!"
Nagawa pa ngang manukso. Mukhang hindi pa nga rin talaga nahahalata ni M na may 'little misunderstanding' kami ngayon ni Rem. Agad naman akong sumunod sa isa na mukhang hindi naman sa cottage namin tumuloy. Ang naabutan ko lang kasi pagdating ko dun ay sila Nicolo, Kuya Julian at Denzel.
"Hinahanap mo si Rem? Sabi niya mag-iikot-iikot lang daw siya saglit. Dumaan lang siya dito kanina para iligpit 'tong sando niya."
Paliwanag ni Kuya Julian na mukhang alam na agad kung anong itatanong ko sa kanila. Napabuntong hininga ako at bahagya pa ngang lumiit ang mga mata ko nang tapunan ko ng tingin ang hawak na sando ni kuya.
Damn. So he's wandering around right now, topless?!
"Akin na 'yan."
Mabilis kong hinablot mula sa kamay ni Kuya Julian ang sando ni Rem. Walang paalam na umalis ako ng cottage at agad na hinanap si Rem. Hindi naman ganoon kalaki itong resort kaya malamang, nasa malapit lang yung hinahanap ko.
Nakakailang lakad pa lamang ako nang mahagip na agad ng mga mata ko ang pakay ko. Pero sa kasamaang palad, hindi siya nag-iisa.
Isang lalakeng mukhang kapreng sabog ang nasa tabi niya ngayon at mukhang kinukulit siya patungkol sa kung ano.
Aba, aba. Ang lakas ng loob lapitan at kausapin ang boyfriend ko ah.
Wala na akong inaksaya pang oras. Mabibigat ang mga hakbang ko nang lapitan ko sila.
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Rem matapos niya akong mapansin. Si kapreng sabog naman ay mukhang walang pake sa pagdating ko. Nakatuon pa rin kay Rem ang mga mata nito at ang laki pa ng ngisi ng tsonggo.
"Rem, kanina pa kitang hinahanap."
Kalmado pero may diin kong sabi. Dahil sa ginawa ko, sa wakas ay nakuha ko na rin ang atensyon ng katabi niyang mukhang nana na tinubuan lang ng katawan.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...