Chapter Theme: Ngayon by Emerzon Texon feat. Dex Yu and Pao Francisco (Gameboys OST)
______________________________________The wait is over
"Haaaay sa wakas, natapos din!"
Masayang anunsyo ni Aki nang makalabas na kami ng room. Kakatapos lang ng exam namin para sa huling subject at aaminin kong, hindi talaga naging madali ang mga exam namin ngayong midterm. Kaunti na nga lang talaga at baka maisipan ko na ring mag-shift, gaya na lamang ng plano nila Warren at Aki.
"Grabe, nakakadugo ng utak yung exams. Parang gusto ko na lang maging hotdog dito sa earth." Komento naman ni Rachelle na nakasunod na rin pala samin.
After coming out to them, masasabi kong mas lalo akong naging malapit sa tatlo, kumpara noon. Si Rachelle na bihira ko lang makasalamuha noon, ngayon eh wala na yatang oras na hindi niya ko kinakausap at pilit na pinagkukuwento sa mga ganap sa pagitan namin ni Dan. Mukhang marami-rami nga rin kasi talaga ang shippers namin ni Dan dito sa University.
"Speaking of hotdog, nakakagutom rin yung exam, 'no? Kain tayooo!"
Biglang singit ni Warren na inakbayan pa nga ako at si Aki habang naglalakad kami sa malawak na corridor. Basta usapang pagkain talaga eh.
"Sasama lang ako kung libre mo." Sagot naman ni Aki, dahilan para mapangiwi si Warren.
"Hoy, hoy! Anong libre libre 'yan? Ang daya niyo. Ba't kayo-kayo lang? Sama rin ako!" Sigaw ni Rae na mas binilisan pa nga ang paglalakad para makahabol samin.
"Tsk. Dun ka nga. Panay sama ka naman eh. Nakakasawa na ring makita mukha mo maya't maya." Komento ni Aki.
"Ah ganun?!"
Itinaas ni Rachelle ang manggas ng suot niyang T-shirt at umakmang hahamunin ng suntukan si Aki. Bigla namang pumagitna sa kanila si Warren. Akala ko ay para umawat, pero napailing-iling na lang ako nang umaksyon itong animo'y isang referee at kunwari pa nga'y pumipito gamit ang kanyang daliri.
Napailing-iling na lang ako sa kalokohan nila. Abala pa rin ako sa panonood sa tatlo nang maramdaman ko na lang ang isang kamay na biglang dumapo sa balikat ko.
Napalingon ako at hindi na ko nagulat nang makita ko si Dan na ngayon ay pilit nang kinukuha mula sakin ang bagpack ko.
"Ako na." Umiling ako at ininguso ang mga estudyanteng napapatingin sa gawi namin.
Kahit na umamin na kami sa mga kaibigan namin, parang hindi pa rin naman yata tama na ipangalandakan namin sa buong campus kung anong meron kami ni Dan. Kaya hangga't maaari, gusto ko sanang normal pa rin ang maging pakikitungo namin sa isa't isa kapag ganitong nasa harap kami ng maraming tao.
Nakuha naman yata agad nito ang ibig kong sabihin kaya hindi na rin siya nagpumilit na kunin ang bag ko.
"Oh, andito na pala si bebe boy m----" Bago pa matuloy ni Aki ang pang-aasar sakin, nauna nang lumanding sa ulo niya ang librong hawak ni Rachelle.
"Ahm hehe. Mabuti pa, mauna na kayo Rem."
Nakangising suhestyon ni Rae na ngayon ay pilit nang tinatakpan ang bibig ni Aki.
"Oo nga, Rem. Mauna na kayo. Sunod na lang tayo lumabas para kumain. Sa ngayon, kami-kami na lang muna siguro." Segunda pa ni Warren.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanila bago tuluyang nagpaalam.
Nagsimula na kaming maglakad ni Dan pabalik sa dorm nang mapansin ko ang tila labis na pagod sa mukha nito. Ngayon ko lang din napuna ang tagaktak na pawis nito na animo'y kagagaling niya lang sa isang marathon.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...