Follow you
Habol ko pa ang hininga ko nang tuluyan akong mahiga sa malambot na kama na nasa aking harapan. Hawak-hawak ko sa isang kamay ang wallet kong may mukha ni Baymax.
Napalingon ako sa kabilang gawi ko kung nasaan si Dan na kanina pa rin palang nakamasid sakin.
"Tinitingin-tingin mo diyan?!"
Umiling-iling lang ito pero duda akong wala siyang ibang iniisip. Halata naman kasi sa mukha ng ungas ang pagpipigil niya ng ngisi.
Kung hindi nga lang ako pagod ngayon ay baka sinugod ko na siya.
"Bago ko makalimutan . . . ayokong may ibang makaalam na gusto ko si Baymax. Sa oras na ipinagkalat mo ang bagay na 'to . . . sinasabi ko sayo Calingasan, mauuwi na naman tayo sa gulo."
Hapong-hapo kong sabi. Mukhang tama si dad. Kailangan ko na yata talagang pagtuunan ng pansin ang pagwo-workout. Masyado na kong mabilis mapagod nitong mga nagdaang araw eh.
Tapos, napakasadista pa ng P.E instructor namin. Sukat ba namang paikutin kami ng sampung beses sa buong field? Walanghiyang gurang na 'yon. Kulang na lang tuloy kanina, gumapang ako pabalik dito sa dorm.
"Anyare sayo? P.E niyo ngayon, di ba? Napagod ka na ba sa ten laps na ginawa niyo kanina sa field? Hina mo naman."
Gustuhin ko mang patulan ang pang-aasar ni Rem ay di ko rin magawa. Masyado na kong pagod para intindihin pa ang mga kagaguhan niya.
Iidlip sana muna ako saglit nang biglang mag-ring ang cellphone ko na agad ko namang sinagot. Ni hindi ko na nga tiningnan kung sino ba yung tumatawag.
"Hello . . . "
"Uy! Rem? Nasa'n ka ngayon?"
"Josh? Ikaw ba 'to?"
"Oo, ako nga. Rem . . . makikisuyo sana ako sayo. Naaalala mo pa ba yung pair assignment na kailangan nating ipasa bukas?"
Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako para maupo na muna at mapakinggan ng maayos ang sasabihin ni Josh.
"Yup, anong meron?"
"Ano kasi eh . . . naiwan ko yata yung satin sa gym kanina nung nagba-basketball kami. B-Baka pwede mo namang i-check at kunin na lang? Tutal, nandyan ka lang naman sa Uni eh."
Napapikit ako ng mariin, kasabay ng pagpapakawala ko ng isang malalim na buntong hininga. Gusto kong paulanan ng mura si Josh, pero alam kong hindi rin naman niya ginusto na mangyari ito.
But still, that's so irresponsible of him. Kung alam ko lang na maaari niyang maiwala ang gawa namin, eh di sana ako na lang ang nag-uwi.
"Rem? Nandyan ka pa ba?"
Muli akong napabuga ng hangin habang marahang hinihilot ang sentido ko.
"Hmm sige, ako nang bahala."
"Yes! Salamat, Rem. Maaasahan ka talaga. 'Ge, kita na lang tayo bukas. Bye!"
Muli akong napahiga sa kama nang patayin na ni Josh ang tawag. Pagod na pagod ako tapos ganito pa ang mangyayari? Pesteng buhay naman 'to oh. Gusto ko lang naman sanang magpahinga.
"Uhm, Rem?"
Kunot ang noong binalingan ko ng tingin si Dan. Wag lang sana siyang dumagdag sa iisipin ko at talagang malilintikan na siya sakin. Wala ako sa mood at mas lalo lang akong nawala sa mood matapos ang pagtawag ni Josh.
"Ano na naman?"
"Hindi ko sinasadyang marinig yung usapan niyo. At sa nakikita ko, mukhang pagod na pagod ka nga. Gusto mo, ako na lang ang kumuha nung dapat mong kunin?"
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...