Chapter 23

376 19 6
                                    

Marked

Dan's POV

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko habang pinapanood ko si Rem na magbalat ng mansanas para sakin.

"Oh,"

Abot nito sakin ng isa sa mga nabalatan niya na. Nginitian ko naman siya ng matamis bago ko kinuha sa kamay niya ang mansanas. Sinadya ko pa ngang hawakan ng mahigpit ang kamay nito dahilan para samaan ako nito ng tingin.

"Dan, bugbog sarado ka  na nga pero ang harot mo pa rin."

Naiinis na bulong nito na siya namang ikinatawa ko. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti kapag nakikita ko siyang naiinis o naiirita. Ang cute cute niyang tignan kapag magkasalubong ang mga kilay niya at nakakunot pa nga ang noo.

"Sorry naman. Ikaw kasi eh." Naiiling kong sabi bago ko kinagatan yung mansanas.

Napangiwi si Rem at nagbalat ng isa pa.

"Bakit naman ako? Anong ginawa ko?"

Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko. Sinulyapan ko muna sila Nicolo at Kuya Julian na magkatabing nakaupo sa sofa. Pareho mang abala sa kani-kanilang mga cellphone, alam kong lihim na nakikinig ang dalawa samin ni Rem para makiusyuso.

"Anong ginawa mo? Well . . . "

Humilig ako papalapit kay Rem para maibulong ko na lang sa kanya ang mga sasabihin ko pa.

" . . . kinuha mo lang naman ang puso ko, Mr. Montecalvo."

Kitang-kita ko ang pamumula ng buong mukha ni Rem nang lumayo na ako sa kanya. Mas lalo siyang naging kyut sa paningin ko. Kung wala lang talagang ibang tao ngayon dito, baka kanina pa kong hindi nakapagpigil at nahalikan ko na naman si Rem.

"M-May sira na talaga utak mo." Pigil ang inis na tugon nito.

"Matagal nang may sira ang utak ko. Kaya nga baliw na baliw ako sayo eh."

"Ahem!"

Pareho kaming natigilan ni Rem. Sabay pa nga kaming napalingon kay Kuya Julian na ngayon ay seryoso nang nakatitig saming dalawa.

"Oh, ba't kayo nakatingin? Makati lang lalamunan ko." Sabi ni kuya na halata namang palusot lang nito.

Marahil ay narinig talaga nito ang pag-uusap namin.

But knowing Kuya Julian, alam kong wala namang problema kung malaman niya nga ang real score sa pagitan namin ni Rem. Hindi naman si kuya yung tipo ng taong mapanghusga at alam din nito kung papaanong rumespeto at magtago ng lihim ng iba.

"Ah baka nauuhaw ka lang. Tara, may nakita akong vending machine kanina. Samahan na kita."

Biglang prisinta ni Nicolo bago tumayo at hinila si Kuya Julian na takang-taka sa inakto niya.

"Hindi ako nauuhaw. Makati lang lalamunan ko. Dito muna tayo."

"Pwes ako, nauuhaw ako. Tara na!" Walang nagawa si kuya kundi ang mapakamot na lamang sa kanyang ulo at tuluyan na ngang nagpatangay sa paghila sa kanya ni Nicolo.

Bago pa nga sila lumabas ng silid ay nagawa pang sumitsit sakin ni Nico at kinindatan ako. Iiling-iling na napatawa na lang ako sa ginawa nito. Maaasahan din talaga ang loko. At least ngayon, kami na lang ulit ni Rem.

Gusto ko rin kasi talaga siyang ma-solo muna saglit, lalo pa nga't hindi pa namin napag-uusapan ng maayos yung tungkol kanina dahil bigla na lang sumulpot yung dalawa.

"So . . . ano na?" Panimula ko nang masigurong nakalayu-layo na nga sila Nico at Kuya Julian.

"Anong ano na?"

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon