Old habits die hard
Hindi ako mapakali nang makabalik na si Rem. Simula nung mapag-usapan namin ni Nicolo yung tungkol sa gay fever kanina ay mas lalo lang nagulo ang isip ko.
Posible ba kasi talaga yun? May lagnat ba talagang nagiging ganoon yung epekto sa isang tao?
Pakiramdam ko ay imbes na mapanatag ang loob ko eh lalo lang akong nalito.
Sana pala talaga, hindi na lang ako nagtanong kay Nico. Pati tuloy ako, kinikilabutan na sa sarili ko.
"Hindi pa ba kayo naghahapunan?"
Wala akong choice kundi mag-angat ng tingin kay Rem. Ayoko sana muna siyang makausap o kahit makita man lang pero wala rin naman akong pagpipilian.
"H-Hindi pa." Maikli at kabado kong tugon.
Akala ko ay titigilan na ko ni Rem pero nabigla na lang ako nang lumapit ito sa pwesto ko at walang pasabing sinalat ang noo ko.
"Medyo bumaba naman na temperatura mo. Bakit namumula ka pa rin?" Hindi ko magawang salubungin ng maayos ang mga tingin ni Rem. Paano ko naman kasing magagawa yun kung paulit-ulit sa utak ko yung sinabi ni Nicolo kanina?
"Ahem,"
Kusang napalayo sakin si Rem at pareho kaming napalingon kay Nicolo na kanina pa palang nakamasid lang samin.
"Uhm ikaw ba Rem? Naghapunan ka na? Ako na lang ang bibili ng hapunan natin sa labas."
Agad na tumayo si Nicolo at naglakad palayo. Natigil lang siya nang bigla siyang tawagin ni Rem.
"Sandali lang . . . sasama na ko sayo."
Sinulyapan ako ng tingin ni Nicolo bago nito ibinalik ang tingin kay Rem na nasa tabi ko lang. "Ah eh, sino na lang magbabantay kay Dan?"
Oo nga, sino na lang magbabantay sakin dito kung pareho silang lalabas? Tsk.
"Magbabantay? Matanda na 'tong gagong 'to. Kaya niya na ang sarili niya. Lagnat lang naman 'yan. Isa pa, mukha namang okay na okay na siya simula pa lang nung dumating ka dito sa dorm para alagaan siya."
Pareho kaming nagpalitan ni Nicolo ng hindi makapaniwalang tingin. Magsasalita na rin sana ako kaya lang naunahan na ko ni Rem.
"Tara na at baka gabihin pa tayo sa daan." Walang emosyong sambit nito bago naunang lumabas ng silid at hinayaan yung isa na sumunod sa kanya palabas.
Hanggang sa makalabas silang dalawa ng silid ni Nico ay nakatulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa inakto nito kani-kanina lang.
Akala ko ba, hindi niya muna ako mumurahin ngayon? Tsaka ano na naman bang problema niya sakin? Parang kaninang umaga lang eh sobrang nag-aalala pa siya sa kalagayan ko tapos ngayon . . .
Aish, Dan naman!
Kelan pa ko nagkaroon ng pake sa pakikitungo ng ibang tao sakin? At kay Rem pa talaga!
Paulit-ulit kong pinukpok ang ulo ko. Baka sakaling matauhan ako sa kahibangan ko ngayong araw. Masama ito. Pakiramdam ko'y unti-unti na kong nagiging ibang tao. Hindi ako ito.
Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pakikipagtalo sa sarili ko, nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko na nasa tabi. Walang pagdadalawang-isip na dinampot ko ito at bumungad agad sakin ang mga text ni Memory.
Memory Plus Gold
DAAAAAAN
OMG, SORRYYYYYY
NGAYON KO LANG NALAMAN NA MAY SAKIT KA PALAAA
HUHUHUHU
Hindi ko napigilang matawa nang mabasa ang mga text nito. Siguro nga, tama yung sinasabi nila na kapag malapit sayo yung isang tao eh naririnig mo na rin boses nila kahit sa chat o text lang.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...