You and I collide
Napatingin ako sa plastic bag na naiwan sa lamesa bago ako tuluyang lumabas ng kwarto namin.
Ilang araw na ring binabalewala ni Rem ang mga binibili kong almusal para sa kanya. Kapag kinokompronta ko naman siya, ang lagi niyang sinasabi ay sa labas na daw siya mag-aalmusal.
Pero sa loob-loob ko, malinaw pa sa sikat ng araw ang gustong iparating sakin ni Rem. Malinaw na iniiwasan niya ko.
Naiiling na ginulo ko ang sariling buhok. Tama na nga ang kahibangang 'to. Kung ito ang gusto niya, eh di sige. Pagbibigyan ko siya sa gusto niya.
"Danny boy!"
Natigilan ako nang may biglang umakbay sakin habang naglalakad ako papunta sa CBM building. Si Ronald pala at ngayo'y napakalaki na ng ngisi habang nakatingin sakin.
"Nabanggit na sakin ni Nicolo. Mabuti naman at naisipan mo nang sumama samin ngayon? Tagal na rin ah." Napatangu-tango ako sa sinabi nito.
"Oo nga, matagal-tagal na rin."
"Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na magugustuhan mo ang pa-welcome back gift namin sayo." Napangisi na rin ako nang bigyang diin ni Ronald ang sinabi niyang 'welcome back gift'. Alam na alam ko kung anong tinutukoy niya.
"Aba dapat lang. Alam mo naman na hindi ako nagse-settle sa mga low quality."
Sinabayan ko na rin ang kalokahan ni Ronald. Panay tawa lang tuloy kami habang naglalakad at halos hindi ko na nga rin namalayan na nasa CBM na pala kami. Nahinto lang ako sa pakikipagtawanan at asaran kay Ronald nang makasalubong namin si Rem.
Huminto rin ito sa paglalakad at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Ronald. Akala ko nga ay may sasabihin pa ito o ano pero ito na rin ang unang nag-iwas ng tingin at tahimik kaming nilagpasan.
"Laki pa rin talaga ng galit sayo ni Reminiscence ano?" Natatawang tanong ni Ronald nang magsimula na ulit kaming maglakad papunta sa room.
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nagsalita pa. Wala na akong panahon para intindihin pa ang galit ni Rem sakin. Sa ngayon ay magfo-focus na muna ako sa mga bagay na madalas kong pagtuunan ng pansin noon.
***
Rem's POV
Ito ang unang beses na nakakuha ako ng zero sa isang simpleng short quiz lang. Hindi ko aakalaing darating pala yung araw na madi-distract ako ng ganito, to the point na maaapektuhan pati ang pag-aaral ko.
Dati naman, nakakapag-focus pa rin ako sa mga bagay-bagay kahit na medyo distracted ako.
Pero iba ang naging kaso ngayon.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago iyon pinakawalan sa ere. Ang nakakainis pa talaga dito, isang tao lang ang may dahilan kung bakit nagkakaganito ako.
At yun ay walang iba kung hindi ang tarantadong si Dan.
Hindi ko rin alam, pero sobrang nainis ako kanina nung makasalubong ko siya na nakikipagtawanan at masayang nakikipagkuwentuhan sa lalakeng 'yon. Napakaingay nila at masyado silang nakakakuha ng atensyon ng ibang tao. Akala mo naman, pag-aari nila ang buong building.
Yung inis kong yun ay nadala ko na sa buong klase. At eto na nga ang resulta, naibokya ko lang naman ang isa sa mga quiz namin ngayong araw.
"Bwiset talaga!"
Sa sobrang inis ay nasipa ko ang nananahimik na trash bin sa tabi. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko nitong mga nagdaang araw. Ang bilis kong maapektuhan sa mga bagay-bagay. Sabi nga ni M, para daw akong babaeng nireregla at nagiging moody. Lintek na 'yan. Hindi naman kasi ako magkakaganito kung hindi lang din dahil kay Dan eh. Ang dami na talagang kamalasan ang nangyari sa buhay ko mula nung makilala ko siya.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Fiksi RemajaRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...