Kiss and Bliss
Rem's POV
"Hindi naman tayo mamamatay sa pang-iisyu lang ng ibang tao satin, tama?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng pagpikit ko ng mariin. Bigla na lang bumalik sakin yung mga sinabi ko kay Dan bago siya umamin sakin ng gabing 'yon.
How ironic for me to say that, gayong ngayon eh ako 'tong sobrang naduduwag na ipaalam sa iba kung ano na ba ang nabubuong relasyon sa pagitan namin at ng roommate ko.
Wait, hindi pa pala maituturing na relasyon. Sabihin na lang natin na may mutual understanding na kaming dalawa. Mag-M.U, gano'n.
It's just that, nasa ibang level na nga lang ang nararamdaman ni Dan, kumpara sa nararamdaman ko para sa kanya.
Seriously, Rem? Inaamin mo na talaga sa sarili mo nyayon na may posibilidad na pareho nga kayo ng feelings?
Napailing-iling na lang ako sa naisip. Ako mismo sa sarili ko eh hindi pa rin makapaniwala na talagang binigyan ko ng chance si Dan na ligawan ako. Gusto kong kilabutan sa ideyang liligawan nga talaga ako nito, pero aaminin kong may kaunting excitement din akong nadarama.
Hindi ko lang kasi ma-imagine kung papaano niyang susubukan na kunin ang loob ko.
"Kuya!"
Nahinto ako sa malalim kong pag-iisip bago ko nilingon si Memory na mukhang nalilito pa nga kung anong chips ang bibilhin niya para kay Dan.
Nabanggit na kasi namin sa kanila ni Jonah ang pagkaka-ospital nito. Pinalabas na lang namin na aksidenteng nabangga si Dan para hindi na mas mag-usisa pa ang kapatid ko.
Kaya nga heto at isinama ako ni M sa mini mart na malapit sa University para bumili ng mga meryenda para dun sa isa. Lakas makatanggap ng special treatment ng ungas eh. Hindi ko nga maalalang naging ganito rin ka-concerned sakin si M, kahit pa ilang beses na rin akong na-ospital noon dahil sa pag-trigger ng phobia ko.
"Okay lang naman siguro kay Dan ang chips, right? Balak ko siyang bilhan pa ng Tortillos eh. Naalala ko lang noon na sobrang hilig niya sa Tortillos. Lagi nga namin 'tong pinag-aagawan sa canteen, noong mga high school pa lang tayo."
Pagkukuwento ni M sakin. Walang ganang tumangu-tango na lang ako. Wala naman akong alam sa ikinukuwento nito dahil hindi naman ako ganun ka-close kay Dan noon.
"Kuya, okay lang ba talaga na bumisita ako sa dorm niyo? Hindi ba talaga tayo mapapagalitan?"
Untag sakin ni M habang kinukuha ko sa kanya ang mga bitbit niyang pagkain para mailagay sa hawak kong basket.
Hindi na kasi umabot ng dalawang araw ang pags-stay ni Dan sa ospital. Nagpumilit ito na bumalik na sa dorm agad kesyo okay naman na daw siya. Hindi kami nagkasundo sa ideyang yun pero ako na rin ang unang sumuko. Ayaw rin kasi talagang paawat ng ungas.
"Hindi tayo mapapagalitan kung hindi tayo magpapahuli."
Napangiwi ang kapatid ko at parang bigla siyang natakot dahil sa sinabi ko.
"Tss. Wag mong sabihin sakin na aatras ka na? Baka nakakalimutan mo, ikaw mismo ang may gustong bisitahin si Dan." Pagpapaalala ko.
"I know! Kaya lang kasi, medyo nag-aalala lang ako. Ayokong magkaroon ng record sa University ano!"
"Kung takot ka, wag ka na lang tumuloy. Ako na lang bahala dito sa mga pinamili mo para sa kanya."
Suhestyon ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni M at agad pa ngang kinuha sakin ang basket na dala-dala ko.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...