Chapter 21

345 16 5
                                    

Whatever it takes

Dan's POV

Hindi ako mapakali. Halos libutin ko na ang buong campus para lang hanapin si Rem pero ni anino nito ay hindi ko makita. Saglit lang daw siyang magpapahangin. Iyon ang paalam nito sakin kanina. Pero anong oras na ngayon at wala pa rin siya. Pati ang landlady namin ay natanong ko na, pero wala rin daw itong ideya kung saan ba nagpunta yung isa.

Nahinto ako sa paglalakad nang tumunong ang ringtone ng phone ko na nasa bulsa lamang ng suot kong pantalon. Dali-dali ko itong sinagot matapos makita ang epic na mukha ni Nicolo sa caller's ID.

"Dan, kumalma ka muna diyan, okay? Wag kang mag-panic. Tulad ng bilin mo eh hindi ko na muna ipinaalam sa kanila M na missing in action ang kuya niya dahil baka mag-alala lang sila."

Napahawak ako sa sentido ko at pilitin ko mang sundin ang bilin ni Nicolo na wag mag-panic ay hindi ko talaga magawa. Sobrang nag-aalala na ko kay Rem lalo pa nga't gabi ngayon. Takot siya sa dilim at hindi pa namin alam kung nasaang lupalop na ba siya.

"Nic, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya. Kasalanan ko 'to. Nagalit siya sakin bago siya umalis ng dorm."

Sabi ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alintana ang malamig na simoy ng hangin kahit pa nga ginaw na ginaw na ako dahil nakasando lang ako na lumabas ng dorm. Ang pinaka priority ko ngayon ay mahanap si Rem.

"No, hindi mo 'to kasalanan. Kasalanan ko. Kung hindi sana ako nag-chat kay Rem, eh di sana hindi siya nagalit sayo."

Napailing-iling na lang ako at muling tumigil saglit para ilibot ang tingin ko sa buong paligid. Nagbabakasaling mahahagip ng mga mata ko si Rem.

"Tama na nga 'tong sisihan session natin. Ang importante ngayon, mahanap natin siya."

"T-Tama, tama. By the way, on the way na ko papunta sa guard house. Kita na lang tayo dun."

"Sige."

Nang tuluyang matapos ang tawag ay tumakbo na nga ako papunta sa main gate kung nasaan malapit ang guard house. Abot-abot pa rin ang kaba ko habang nagpapalinga-linga sa paligid.

Rem, nasa'n ka na ba?

Kung dala lamang sana nito ang phone niya ay baka kanina ko pang nalaman kung nasaan na ito. Kaya lang, sa pagmamadali nito kanina na lumabas ay hindi na rin ito nag-abala pang dalhin ang cellphone niya.

Sabagay, magpapahangin nga lang naman din daw kasi siya. Kaya ganoon na nga lamang ang pagkabahala ko nang halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin ito bumabalik.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Gustong-gusto kong pagalitan at saktan ang sarili ko ngayon dahil malinaw naman talaga na ako ang may kasalanan nito. Kung sinundan ko na lang sana siya kanina nung lumabas siya para magpahangin ay hindi mangyayari ito.

"Dan!"

Tumigil na ako sa pagtakbo matapos kong matanaw si Nicolo na papalapit na nga sa kinatatayuan ko. Mukhang tulad ko ay tumakbo rin ito mula sa kanilang boarding house dahil tagaktak ang pawis nito at humihingal pa nga.

"Grabe. Ang lamig ngayon pero pinagpawisan pa rin ako sa pagtakbo."

Pagod na aniya. Inilagay nito ang kamay sa balikat ko at bahagyang yumuko para habulin ang kanyang hininga.

"Wala na tayong oras para magpahinga. Tara,"

Wala na ngang nagawa ang kasama ko nang alisin ko ang kamay nitong nakapatong sa balikat ko. May pagmamadali sa kilos ko nang hilahin ko si Nicolo papunta sa guard house. Mukhang nagulat pa nga namin ang guard sa biglaang paglapit namin.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon