Chapter 52

347 9 0
                                    

REM

Nagising ako nang maramdaman ko ang kamay na paulit-ulit na humahaplos sa mukha ko. I slowly opened my eyes--only to see Dan's face lovingly staring at me.

"Good morning," masuyong bulong nito bago ako dinampian ng isang mabilis na halik sa labi.

Kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko. I put both of my hands around his nape. Ang kamay niya ay sa bewang ko tumigil at hinapit ako papalapit sa kanya.

"Kanina ka pang gising?" tanong ko.

"Hmm medyo. Ang cute mong matulog kaya naaliw na lang din muna ako sa pagtitig sa mukha mo."

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. This guy... he never failed to amuse me.

"By the way, anong gusto mong gawin natin ngayon?"

Bahagyang kumunot ang noo ko. Inabot ni Dan ang isang kamay ko na nasa kanyang batok at masuyong pinaglaruan ang mga daliri ko. Bumuntong hininga ako at mas lalong nagsumiksik sa kanya.

"Hindi ko alam. For now, gusto ko na lang muna matulog."

Ginulo-gulo ni Dan ang buhok ko bago siya mahinang tumawa.

"Napagod ba kita masyado kagabi? Sorry," bulong niya sa tenga ko dahilan para mapasimangot ako.

Mahina kong hinila ang buhok niya sa batok.

"Aray! Bakit?" natatawang tanong pa nito.

"Bwisit ka. Pwede bang manahimik ka na lang? Fine! Pagod ako kaya wag ka munang maingay diyan."

Mas lalong lumakas ang tawa nito. Humigpit ang pagkakayakap niya sakin at sunod-sunod akong pinaulanan ng mumunting halik sa bunbunan.

"Copy that, babe. Pero mamaya kapag okay ka na, labas tayo ha?"

"Where to?"

"Kahit saan."

Hindi na lang ako umimik. Hinigpitan ko na rin ang pagkakakapit ko sa kanya bago ko muling pinikit ang mga mata ko.

"Okay. As long as I'm with you..."

***

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawang maiplano ni Dan ang lakad namin ngayong araw sa loob lamang ng ilang oras kagabi habang mahimbing na ang pagkakatulog ko. I still cannot believe that we're in a beach right now.

"Loving the view?"

Mabilis na pumalibot sa bewang ko ang dalawang braso ni Dan. Nakangiting nilingon ko siya. "How come na napapayag mo si Kuya Julian na hiramin ang van nila?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lamang ito at sinubsob ang ulo sa bandang leeg ko.

"Well, I'm willing to do anything to please you," bulong niya at mabilis akong ginawaran ng isang halik sa noo.

"You don't have to. You even bought beach clothes for the both of us. Sabi ko naman kasi sayo na ako na lang ang magbabayad."

Ngumiti lamang si Dan at pinanggigilan ang pisngi ko.

"Come on, hayaan mo na lang muna ako ngayon na pasayahin at gawin ang mga bagay na 'to sayo. Bawi tayo sa mga panahon na hindi tayo magkasama, okay?"

Napabuntong hininga ako. Pinisil ko ang kamay niyang nasa bewang ko bago ako gumanti ng ngiti. Dan's right. Wala dapat kaming inaalala ngayon, maliban sa mga sarili namin. This is our time to be totally free and just be with each other, without minding anything or anyone. Siya lang at ako. Amin ang mundo sa mga oras na 'to.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon