Honesty and Acceptance
Rem's POV
Kanina pa kong pabaling-baling sa kama ko. Hindi ako makatulog. Nakailang bilang na ako ng tupa sa isip ko, pero hindi ko pa rin magawang makatulog, kahit idlip man lang. Kinuha ko ang phone ko at chineck kung anong oras na ba.
Mag-a-alas onse na pala.
Mukhang napasarap ang inuman nila Dan ah. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ito. Ang pangako nito sakin kanina ay babalik daw siya pag alas diyes na. Wala naman sanang kaso sakin kahit anong oras na siya bumalik. Mga tropa niya pa rin naman yun at normal lang na mag-bonding sila paminsan-minsan.
Hindi na ako nakatiis. Bumangon na ko mula sa pagkakahiga at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Habang umiinom, napabaling ang tingin ko sa gitarang nasa tabi ng bintana palabas ng balkonahe.
Mukhang naisipan na naman ni Dan na hiramin ang gitara ni Kuya Julian. Pagkatapos kong uminom ng tubig, kinuha ko ang gitara at tumungo sa balkonahe. Tutal hindi pa rin naman ako makatulog, mabuti pang tumugtog na lang muna ako.
Mabuti rin pala talaga at naturuan ako ni Rachelle ng ilang basic chords ng mga paborito kong kanta.
Inipwesto ko na ang mga kamay ko habang inaalala kung tama ba 'tong ginagawa ko.
Saying I love you
Is not the words I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say, but if you only knew
How easy it would be to show me how you feel----
Nahinto ako sa pagtugtog at pagkanta nang maramdaman ko ang dalawang bisig na biglang bumalot sa akin. Napalunok ako at lilingon na sana, pero mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sakin.
"D-Dan, plano mo ba kong patayin?"
Hindi siya umimik na siyang ipinagtaka ko. Lasing na ba siya? Aish, anong klaseng tanong ba 'yan, Rem? Malamang, oo! Galing nga sa inuman, di ba? Tsk.
"Rem, I'm sorry."
Natigilan ako kasabay ng pagkunot ng aking noo. Hindi ko pa rin magawang makalingon sa kanyang direksyon dahil nakayakap pa rin siya sakin at ngayon nga'y bahagya pang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.
"Anong nangyari? May problema ba?" Tanong ko.
"May kasalanan ako sayo."
Napabuntong hininga ako sa narinig. Hindi ko pa man nalalaman kung ano 'tong sinasabi niya pero may inis na agad akong nararamdaman sa loob-loob ko. What the hell did he do, this time?
"Ano yun?"
Matagal bago muling nakasagot si Dan. Inihanda ko na ang sarili ko sa mga maaari kong marinig. Hindi naman siguro ganoon kabigat ang nagawa niya para umasta siya ng ganito, di ba?
"M-May babaeng dinala si Ronald kanina sa bar. Sinubukan ko siyang kausapin para sana sabihin na hindi ako interesado sa kanya, kaya lang bigla niya kong hinalikan."
Napapikit ako ng mariin at paulit-ulit na nagbilang sa isipan ko. Kumukulo na ang dugo ko ngayon sa inis, but I still want to give him some time to explain himself. Kapag hindi ko nagustuhan ang makukuha kong eksplenasyon mula sa kanya, humanda talaga siya sakin.
"Then? What happened next?" Pigil ang inis na tanong ko.
"I-I didn't do anything to stop her. Masyado akong nabigla na wala akong nagawa nung una. A-Aaminin ko rin na medyo naapektuhan ako sa ginawa niya lalo't nakainom na rin ako, pero----"
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...