Special Chapter: Obey Your Master, Rem

353 7 2
                                    

WARNING: MATURE CONTENT

DAN

"THIS IS THE BEST SUMMER EVER!"

Lahat kami ay napatakip ng mga tenga namin sa matinis na pagsigaw ni Memory. Nagtatakbo itong parang bata bago biglang nilundagan si Nicolo na siyang naging dahilan para magpagulong-gulong ang dalawa sa buhanginan.

"Nico!" nag-aalalang sigaw ni Kuya Julian bago dinaluhan ang nobyong nadaganan ni M. Napalingon ako sa katabi ko nang marinig ko ang mahina nitong paghagikhik.

"Having fun?" tanong ko at iniakbay ang braso sa balikat niya.

"Yeah. It's been a while since we all hang out together, so this is making me really happy right now." matapat nitong tugon bago iniyakap ang parehong bisig sa aking bewang. Cute. Mukha siyang batang naglalambing.

"Salamat kay papa at hinayaan niya tayong magbakasyon dito at sinagot niya pa talaga ang lahat ng gastos natin."

"Aba dapat lang. He's been so stubborn at first. For sure, bumabawi lang 'yon sa ginawa niya sa'tin." Mahina akong natawa at yumakap na rin pabalik kay Rem na nakakapit pa rin sakin na parang koala.

"Nicolo, buhay ka pa ba?!"

"Ang bigat ni Memory. Nabalian yata ako ng buto!"

"Hoy! Ang payat-payat ko kaya. How dare you?!"

"M, tama na 'yan. Baka mapatay mo na talaga si Nicolo sa susunod."

"Mga bakla, tahimik! Ang daming fafa oh, mahiya naman kayo."

"Sinong kumuha ng mga pagkain ko sa bag?!"

"Baka si Ron."

"Tangina, nananahimik lang ako dito oh!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rem at sabay na natawa na lang matapos panoorin ang mga kasama namin na magkagulo. Ilang sandali pa ay nakikisabay na kami sa mga kulitan at asaran nila. Hindi rin kami masyadong nagtagal sa pagbababad sa tubig. Lalo pa't maya't maya ang reklamo ni Rem na gutom na daw siya at gusto niya nang kumain.

"Uhm teka lang, nakalimutan ko yata yung phone ko sa room natin," biglang sabi ni Rem habang papunta na kami sa mesa namin dito sa restaurant ng hotel na kasalukuyan naming tinutuluyan.

We all decided to spent our nights here at malaking tulong talaga na sinagot ng daddy ni Rem lahat ng gastusin namin. Nakakahiya man ay wala rin akong magawa dahil ito mismo ang nagplano sa bakasyon naming ito. Siguro nga ay tama si Rem, bumabawi ito sa kanya sa ganitong paraan.

"Samahan na kita?"

"WAG! I mean, ako na lang. Babalik din naman ako agad. Check ko lang kasi hindi ako sigurado kung nandun ba talaga o na-misplace ko sa cottage natin."

Nagtataka man sa kinikilos nito, hindi na lang din ako umangal pa at hinayaan na lang siyang bumalik mag-isa sa kwarto namin.

"Oh Dan! Nasa'n si Kuya? Akala ko ba kanina pa siyang gutom?" salubong ni Memory nang makalapit na ko sa lamesa kung nasaan ang iba pa naming mga kasama. Nagkibit-balikat ako bago muling tinanaw si Rem na hindi ko na makita mula dito sa pwesto namin.

"Naiwan daw niya phone niya sa kwarto namin. Babalik din daw siya agad."

"Seriously? Nicolo said the same thing to me just now," sabat ni Kuya Julian matapos marinig ang naging pag-uusap namin ni M. Doon ko lang din napansin na oo nga't wala rin dito si Nicolo sa mesa namin ngayon.

"Hah! Ayan na, nagsisimula na. Baka mamaya may kakikitain lang palang chicks 'yang mga bebe niyo ah." Sabay kaming napalingon ni Kuya Julian kay Ronald na ngingisi-ngisi pa habang sumasandok ng kanin. Tingnan mo 'to, hindi pa nga kami kumpleto, nakuha na agad na lumamon.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon