Chapter 51

345 9 0
                                    

Warning: Mature content at the end of the chapter. Not suitable for readers below 18 years old. (A/N: Maa-apply ko na yung mga natutunan ko sa sandamakmak na yaoi na nabasa ko lmao)

REM

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha ko. Walang kapantay ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Akala ko, hindi na darating pa ulit yung araw na makakasama ko si Dan gaya nito. Na nandito siya sa tabi ko.

"Rem, masyado na kong nalulusaw sa mga ngiti mo," sabi ni Dan habang namumula at hinihimas ang kanyang batok.

Natawa ako at mas lalong dumikit sa kanya. Magkahawak ang parehong mga kamay --- mabagal naming nilandas ang tahimik na daan.

"I'm just happy right now," pag-amin ko.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Dan sa kamay ko na hawak niya.

"Me too. Sobrang saya ko ngayon."

I stared at Dan's genuine smile for a while. God, I love this man so much.

Tumigil kami nang makarating na kami sa plaza. Humanap kami ng bakanteng bench ni Dan at doon ay nagkasya na lang kami sa pagmamasid sa magandang tanawin sa paligid namin at sa mga taong unti-unti na ring dumarami.

"Are you hungry?" tanong ng kasama ko.

Umiling ako bago sumagot, "Nag-breakfast naman na ko before ako umalis ng bahay, so I'm fine."

Hindi ko alam kung nakumbinsi ko si Dan sa sinabi ko. Bigla na lang kasi itong tumayo at kinapa-kapa ang kanyang bulsa na animo'y may hinahanap.

"Hintayin mo ko rito. May bibilhin lang ako," bilin niya.

Kumunot ang noo ko. Hinila ko siya sa isang kamay. "Where are you going? Sama na lang ako."

"No need. Alam kong medyo kumikirot pa ang paa mo sa pagkatapilok kanina. Don't worry, babalik din ako agad."

Nginitian ako nito at pinisil pa ang pisngi ko bago siya umaksyong aalis na.

"Bilisan mo ha!" paalala ko. Lumingon siya sakin at kumindat bilang tugon. Agad tuloy akong napaiwas ng tingin dahil sa ginawa niya. Napakabilis ko talagang mag-react sa bawat ka-sweet-an niya sakin.

Ilang sandali pa mula nung umalis si Dan, isang babae ang lumapit sa pwesto ko at walang pasabing naupo sa tabi ko. Bahagyang kumunot ang noo ko. I scanned my eyes around and found out that there are still a lot of vacant benches. Hindi na lang ako umimik. Baka trip niya lang talaga na dito sa bench na ito maupo.

Sana lang ay umalis na siya mamaya pag andito na si Dan.

"Kuya,"

Napaigtad ako nang biglang magsalita ang katabi ko. Wala akong choice kundi lingunin siya at ituro ang sarili ko.

"A-Ako?"

Napairap ito at inalis ang lollipop na nakapasak sa bibig niya. "May iba pa ba kong kasama dito?" tanong niya, sa tonong sarkastiko.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis. Iba na talaga ang mga kabataan sa generation ngayon. Parang 80% sa kanila ay pinaglihi sa sama ng loob.

"Oh, sorry. May maitutulong ba ko sayo?"

Nainis man sa pagiging sarcastic nito, minabuti kong maging maingat pa rin sa magiging tugon ko sa kanya. Besides, seems like this girl is still in high school. Baka nga menor de edad pa ito. Her aura totally screams rebel punk kid. Kung ito'y pagbabasehan ko lamang sa outfit niya.

Itim na crop top na pinatungan niya ng itim din na leather jacket. Nakasuot siya ng maong na skirt na above the knee at itim na boots na halos umabot na sa kanyang tuhod.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon