Special Chapter: Nicolo's Unexpected Visitor

267 6 0
                                    

NICOLO

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Kinusot ko ang mga mata kong may mumunti pang mga muta bago ako pupungas-pungas na bumangon.

"Hmm sa'n ka pupunta?" Natigilan ako matapos maramdaman ang braso ni Kuya Julian sa may bandang tiyan ko na animo'y pinipigilan ako sa plano kong pag-alis sa kama.

"May tao sa labas. Kanina pang nakatok. Baka si Ate Bebeng," sabi ko na ang tinutukoy ay ang landlady ng boarding house na tinutuluyan ko.

"Okay. Balik ka agad. Gusto ko pang matulog," tugon naman nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. Napailing-iling na lang ako at tuluyan na ngang tumayo. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng sando. Dumiretso na ko agad sa may pintuan at sa pagbukas ko'y isang hindi inaasahang bisita ang bumungad sa akin.

"Nico, my baby bro!"

Sa sobrang gulat ko, walang pasabing isinarado kong muli ang pinto. Mabilis akong bumalik sa kama at natatarantang ginising si Kuya Julian.

"Hoy, Nicolo! Ang harsh ha. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita, tapos pagsasarhan mo agad ako ng pinto?!" sigaw ni ate mula sa labas. Napapikit ako nang mariin at sumigaw na rin pabalik.

"Sorry, ate! Medyo magulo at makalat lang talaga kwarto ko sa ngayon. Nakakahiya kaya hayaan mo munang linisin ko mga kalat ko saglit."

"Duh. As if may pake ako sa mga kalat mo ano! Papasukin mo na lang muna ako tapos tulungan na lang kitang maglinis diyan."

"Hindi talaga pwede, ate! Wait lang, matatapos na rin naman ako!"

Nag-aalalang nilingon ko ang lalakeng prenteng nakahiga sa kama ko. Paulit-ulit kong tinapik ang pisngi nito para magising.

"Hmm? Bakit? Anong--"

"Ssshhh! Nandito si ate," may diin kong sabi nang tuluyan nang magising ang kanina ko pang ginigising.

"Ha? Sigurado ba 'yan?"

Sa sinabi ko ay mukhang tuluyan na ring nawala ang antok nito. Agad itong bumangon at inabot ang t-shirt niyang nasa lapag. May pagmamadali sa kilos nito habang isinusuot ang sariling damit. Ako naman ay naging abala na rin sa pagpulot ng iba ko pang mga damit na nagkalat din sa lapag, pati na rin ang tatlong gamit nang condoms.

Shit! Bakit kasi ngayon pa talaga naisipan ng kapatid ko na bumisita?

"Nicooo, matagal pa ba 'yan? Ang sakit na ng paa at binti ko!"

"Saglit na lang talaga 'to!"

Nang masigurong malinis na ulit ang kwarto at maayos na rin ang bed sheet, si Kuya Julian naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Sa ngayon, wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko muna siyang itago sa cabinet.

"Uy, anong ginagawa mo?" tanong nito nang magsimula na ako sa pagtulak-tulak sa kanya papalapit sa cabinet.

"Sorry. Ang alam nila ate, mag-isa lang ako dito sa boarding house. Hindi ka niya pwedeng makita."

"Pwede mo namang sabihin na nakitulog lang ako dito saglit kasi... may project tayong ginawa." Napairap ako sa ere sa naisip nitong maaari naming idahilan.

"Please, kahit ngayon lang, makinig ka muna sakin," pagsusumamo ko. Kilala ko si ate at alam kong hindi siya yung tipo na madali mong maloloko.

"Kailan ba ko hindi nakinig sayo?"

"Maraming beses na. Lalo na pag nasa kama tayo," asik ko na nakaani lamang ng mahinang tawa mula sa kanya.

"Anyway, hindi ito ang oras para makipag-argue. Magtago ka muna dito sa loob ng cabinet. Susubukan kong dalhin si ate maya-maya sa labas at yun lang ang chance mo para lumabas at tuluyang umalis dito," paliwanag ko.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon