Chapter 39

229 10 0
                                    

Consequence

Rem’s POV

“Rem? Hoy, Rem!”

“H-Ha?”

Napailing-iling ang kaharap ko na si Rachelle. Iniangat nito ang ballpen na hawak at marahang tinusok-tusok sa noo ko.

“Kanina pa kong nag-e-explain dito ng gagawin natin for the roleplay this coming Friday, tapos hindi ka pala nakikinig sakin?” Tumikhim ako bago inilibot ang tingin sa paligid.

Kasalukuyan nga pala kaming nagpaplano ngayon para sa isang activity namin. Nawala na nga rin sa isip ko na nasa room pa pala ako.

“Sorry, Rae.”

Bumuntong hininga ito. “It’s okay. Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Nag-away ba kayo ni Dan?”

Nang mabanggit nito si Dan ay tsaka pa ako parang tuluyang nabalik sa wisyo.

Right, hindi ko pa nga pala nababanggit kay Dan yung tungkol sa nangyari hanggang ngayon. Even if I want to, I don’t have the courage to tell him. Pakiramdam ko’y may kasalanan akong nagawa sa kanya, kahit wala naman talaga. It was clearly Kuya Cylde’s fault.

But here I am, being a big coward again.

“Hindi kami nag-away. Sadyang masama lang talaga pakiramdam ko sa ngayon.” Sabi ko na lang.

Agad namang rumehistro sa mukha ni Rachelle ang pag-aalala matapos niyang marinig ang naging tugon ko.

“Gusto mong samahan kita sa infirmary?”

Mabilis na prisinta nito.

“N-No need for that, Rae. Kaya ko naman. Babalik na lang muna siguro ako sa dorm. Okay lang ba?”

Tanong ko, dahil mukhang wala rin naman akong maitutulong sa kanya sa sitwasyon ko ngayon.

“Sure. Sa Friday pa naman ito. We still have a lot of time to prepare. Sana sinabi mo na lang agad kanina, para mas maaga ka pang nakapagpahinga.”

Alanganin na lang akong ngumiti sa kanya bago ko kinuha ang bag ko na nasa tabi.

“Then I guess, I gotta go now. Pasensya ka na talaga, Rachelle. Babawi na lang ako sa susunod.”

Umiling-iling ito at tipid ding ngumiti.

“Don’t mind it. Your health should be your priority always. Balitaan mo ko pag okay ka na ha.”

“I will. Una na muna ako.”

“Sige, ingat!”

Nang makalabas na ako ng room namin, agad kong tiningnan ang phone ko. Nagbabakasakaling may message o reply ba akong natanggap mula sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako nang makitang wala naman akong kahit na anong mensahe.

Matapos nung gabing ‘yon, samu’t saring katanungan ang agad na gumulo sa isip ko. Gusto ko siyang kausapin nang maayos, pero hindi pa ako naging okay agad pagkatapos nun. Actually, hanggang ngayon naman.

It’s only two days ago and the memory of it still haunts me like crazy. Pakiramdam ko’y mas nagkaroon pa nga ako ng trauma sa ginawa niya, kumpara noong dun sa hayop na nambastos sakin sa bar at minsan na ring dumukot sakin at nagpahirap kay Dan.

Siguro ay dahil hindi ko inaasahan na ang taong kagaya niya ang makakagawa sakin ng ganoong klaseng bagay.

It’s the fact that I knew him since we were kids and I trusted him.

Natigil ako sa paglalakad at mariing napapikit.

Damn, I really need to talk to him.

Mukha namang dininig ng langit ang lihim kong hiling. Nang mag-angat kasi ako ng tingin para sana muling magpatuloy sa paglalakad, mukha agad ni Kuya Clyde ang bumungad sakin.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon