Chapter 34

271 11 0
                                    

Pleasure

Warning: Contains mature content. Not suitable for readers below 18 years old.

Dan's POV

"I love you too, Dan. Mahal na mahal na din kita."

Tila musika sa pandinig ko ang marinig ang ang mga katagang iyon na lumabas mula mismo sa bibig ni Rem. Hindi ako makapaniwala at pakiramdam ko'y nananaginip lamang ako.

Well, kung panaginip nga ito, mas gugustuhin ko pang matulog habambuhay.

"Huy, ano na? Matutulala ka na lang ba sa mukha ko magdamag?"

Napakurap-kurap ako nang muling magsalita si Rem.

"S-Sorry, masyado lang talaga akong nabigla na hindi ko pa alam kung anong isasagot ko."  Pag-amin ko.

Mahina siyang natawa at naiiling na napatingala muli sa langit. Napatingin na rin ako sa langit gaya niya. Hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon ko sa pag-amin ni Rem patungkol sa kanyang nararamdaman.

Akala ko ay magtatatalon at magsisisigaw ako sa tuwa, gaya na lamang ng madalas kong makita sa mga palabas at pelikula.

Pero kabaliktaran ang naging epekto sakin ng pag-amin ni Rem. Masyado akong masaya ngayon na wala akong maisip na tamang salita para ipalabas ang nararamdaman ko. Masyado akong natutuwa na para bang napakakalmado ng aking puso't isipan sa mga oras na ito.

Para bang tuluyan nang napanatag ang buong kalooban ko at maski ni katiting na agam-agam ay wala na.

Pinag-abot ko ang mga palad namin ni Rem habang pareho pa rin kaming nakatingin sa langit at sa mga nagliliwanag na bituin.

Damn, I am so fucking happy right now.

"Ang ganda ng langit ngayon, ano? Ang gaganda ng mga bituin."

Mula sa langit ay napunta ang mga mata ko kay Rem na aliw na aliw sa kanyang nakikita. Napangiti ako, lalo na nang tamaan ng liwanag ng buwan ang mukha niya, at animo'y nagliliwanag siya sa aking paningin.

"But the most beautiful and glowing star is right here... with me."

Biglang lumingon si Rem sakin at dahil sobrang lapit lang ng mukha ko sa kanya, muntik nang magkadikit ang mga labi namin. Kitang-kita ko kung papaano siyang napalunok at nagulat sa paglingon niya.

He's really cute and adorable when he's blushing.

"D-Dan, ang korni mo."

"Ganun talaga, in love ako eh." Nakangising asar ko habang pilit kong sinusundan ang mga mata niyang panay ang iwas sakin.

"Quit that!"

Natawa ako at mas inilapit pa ang mukha ko sa kanya. "Quit... what?"

"Argh Dan!"

"Shhh."

Bago pa muling mailayo ni Rem ang mukha niya, agad ko nang hinawakan ang baba niya at masuyo siyang hinalikan sa labi. Damang-dama ko ang mahigpit na pagkapit nito sa braso ko nang mas palalimin ko pa ang halik.

Saglit lang na naghiwalay ang mga labi namin para habulin ang aming hininga. Wala pang halos tatlong segundo at muli ko nang dinama ang mga malalambot na labi ni Rem.

Patuloy lang kami sa pagpapalitan ng mga mapupusok na halik nang hilahin ko siya papalapit sa upuang kahoy na malapit samin. Ako ang naunang umupo bago ko giniya si Rem na maupo sa aking kandungan.

Parehong mabibigat ang bawat paghinga naming dalawa nang saglit na maglayo ang mga labi namin.

"Damn, I just can't get enough of your lips, Rem. I want more." Paos kong sambit bago ko hinawakan sa batok si Rem para muling siilin ng halik.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon