Gay fever
Dan's POV
"Gago, bumangon ka na muna diyan."
Pupungas-pungas na bumangon ako nang tapikin ako ni Rem. Hindi naman ganoon kasama ang pakiramdam ko. Hindi rin naman 'to ang unang beses na nagkasakit ako.
Pero ngayon . . . sa hindi ko malamang dahilan, parang gusto kong sumama na lang lalo ang pakiramdam ko.
Gusto kong alagaan ako ni Rem.
Napailing-iling ako sa naisip. Ano ba 'tong mga pumapasok sa utak ko? Mukhang malala nga talaga ang lagnat ko ngayon ah.
"Walang lugaw kaya champorado na lang ang binili ko. Sana okay lang sayo."
Pinanood ko si Rem habang sinasalin niya yung champorado sa isang mangkok.
"Oh,"
Nanatili pa rin ang mga mata ko sa kanya kahit nung inaabot niya na sakin ang mangkok.
Bakit ganito? Bakit parang . . . parang gusto kong pisilin ang pisngi ni Rem?
"Aaaargh!"
Napasabunot ako sa sarili kong buhok dala ng sobrang frustration sa mga ideyang bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko.
"Ayos ka lang? May masakit ba sayo? Anong nangyari? Masakit ba ulo mo?"
Napaangat ulit ako ng tingin kay Rem dahil sa sunod-sunod nitong pagtatanong sakin. Halatang natataranta siya at hindi rin nakaligtas sakin ang matinding pag-aalala sa mga mata nito. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
Dala pa rin ba ng lagnat 'tong mabilis na pagtibok ng puso ko?
"Sobrang sama ba talaga ng pakiramdam mo?"
Marahang inilapit ni Rem ang mukha sakin dahilan para mapaatras ako at tuluyang isinandal ang likod sa headboard ng kama.
Ano bang nangyayari sakin?
"Tsk. Sige na, susubuan na lang kita. Mag-relax ka na lang muna diyan."
Hindi ako umimik at hinayaan na lang si Rem. Normal pa ba 'tong lagnat ko? Ngayon lang yata ako nilagnat na ganito katindi ang epekto sakin. Pakiramdam ko, buong katawan pati utak ko, nagma-malfunction.
"Hoy, ibubuka mo 'yang bibig mo o isusungalngal ko na lang 'tong buong kutsara sa bibig mo?"
Para akong muling ibinalik sa reyalidad nang marinig ko yun. Agad akong ngumanga at napangiwi pa ko nang halos malulon ko na yung buong kutsara sa lakas ng pwersa ng pagkakasubo sakin ni Rem.
"Dalian mo ang pagnguya at paglunok. May klase pa ko mamayang 9. Hindi ako a-absent para lang magbantay ng tarantadong may sakit."
Muntik na kong mabulunan sa sinabi nito. May sakit na ko't lahat lahat, pero hindi niya pa rin talaga ako nakakalimutang murahin. Ibang klase talaga.
"Rem,"
Natigilan si Rem sa ginagawa. Nakakunot na ang noo nito ngayon habang nakatingin sakin at nakaangat ang kamay na may hawak na kutsara.
"Ano? Gusto mo ng tubig?" Marahan akong umiling bago umayos sa pagkakaupo.
"Pwede bang kahit ngayon lang, wag mo muna akong mumurahin?"
Hindi agad ito nakaimik sa sinabi ko. Inaasahan ko na ang pag-angal niya, pero nagulat ako nang bigla na lang itong tumango kahit na kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding pagtutol.
Hindi nga kasi yata nabubuo ang araw niya pag di niya ko namumura.
"Pagbibigyan kita sa ngayon. Pero NGAYON lang 'to."
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...