Chapter 25

388 19 0
                                    

About to succumb

Dan's POV

"Hoy, Dan!"

Napahawak ako sa balikat kong hinampas ni Nicolo. Kanina pa pala itong nasa harapan ko kasama sila Ronald, Kevin at Denzel.

"Tsk. Problema mo?!"

Asik ko kay Nico bago ko siya samaan ng tingin. Kailangan ba kasi talagang manghampas? Pareho talaga sila ni Memory eh. Lagi na lang dinadaan sa dahas ang lahat ng bagay. Hindi ko nga lang alam kung sino sa kanilang dalawa ang may mas mabigat na kamay.

"Ako pa talaga? Eh ikaw nga 'tong daig pang na-high sa itsura mo! Ang creepy mo kaya. Kanina ka pa naming tinatawag pero para ka lang sira diyan na abot langit ang ngiti. Yung totoo, Dan? Nakahithit ka ba?"

Tumayo ako at akmang hahabulin siya pero agad na itong nakatakbo at nagtago pa nga sa likod ni Denzel na napailing-iling na lang sa nasaksihan.

"Pasalamat ka at good mood ako ngayon."

Nakangising sambit ko. Nagkatinginan naman silang apat na para bang nag-uusap gamit ang mga isip nila.

"May nangyari ba kagabi at good mood ka ngayon? May nadale ka na naman sigurong bagong chix, ano?"

Pag-usyuso ni Kevin na inakbayan pa ko. Sumunod naman si Ronald sa kanya. Sa kabilang balikat naman ako nito inakbayan.

"Sino ba 'yan pre? Kilala lang ba namin o baka taga ibang University?"

Napaubo-ubo bigla si Nicolo nang marinig ang tanong ni Ronald. Lumapit na rin ito samin bago niya hinila ang dalawang nakaakbay sakin.

"Tama na nga 'yan. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa love life nitong kaibigan natin. Focus muna tayo sa pagpa-practice. Baka nakakalimutan niyong bukas na ang competition?"

Sabi pa nito sa dalawa pero hindi naman nagpatinag sila Ronald at Kevin. Sinundot-sundot pa nga ko ng mga gago sa tagiliran na para bang nang-aasar.

"Kaya naman pala good mood kasi naka-iskor na ulit. Ikaw ha." Mapanuyong sabi ni Ronald na hindi pa rin umaalis sa tabi ko.

"Gago! Wala nga kasi. Dun na nga kayo. Mag-practice na lang kayo para makita ko kung ano pang dapat na i-improve sa choreo."

Sabi ko na lang dahil mukhang wala talaga itong plano na lubayan ako.

"Sus. Change topic agad eh!" Naiiling naman na sabat ni Kevin.

Pabirong tinadyakan ko na lamang sa mga paa ang dalawa bago ko ininguso si Denzel na tahimik lamang sa tabi at abala na naman sa kanyang cellphone.

"Ako na lang lagi niyong nakikita. Hindi niyo ba papansinin si Denzel na mukhang seryoso na talaga sa girlfriend niya ngayon? Tingnan niyo, busy na naman sa pag-a-update sa baby niya."  Dahil sa sinabi ko'y napabaling na rin ng tingin samin si Denzel.

Mukhang effective naman ang ginawa ko dahil ang kaninang atensyon nila na nasa sakin ay natuon na nga kay Denzel ngayon. Todo tago pa nga si Denzel sa phone niya nang magsimula na ang dalawa sa pag-usyuso at pagbasa ng pinag-uusapan nila ng girlfriend niya.

Sinamantala naman ni Nicolo ang pagkakataong iyon para makalapit sa pwesto ko. Bahagya itong humilig sakin at bumulong.

"Don't tell me, naka home run ka na kagabi kay Rem?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Buong lakas kong itinulak papalayo sakin si Nicolo at pabirong sinuntok ito sa braso. "Tangina mo. Baka mamaya may makarinig pa sayo eh. Tsaka anong home run, home run pinagsasabi mo diyan?!"

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon