Chapter 2

851 34 4
                                    

Room 12

Dan's POV

Maingat kong nilapag ang huling kahon sa gilid ng pinto. Siyang pagpasok rin ni Benjamin, ang roommate ko dito sa dorm.

"Ito na ba lahat ng gamit mo? Baka mamaya may maiwan ka pa ha." Umiling si Ben at inayos ang pagkakasalansan ng mga kahon.

"Na double check ko na. Ito na lahat ng mga gamit ko. Salamat, Dan. Sa totoo lang, hindi mo na talaga ako kailangang tulungan sa pagliligpit ng mga gamit ko."

Ngumiti lang ako at mahina siyang tinapik sa balikat. "Ano ka ba? Para namang iba ka na sakin. Pero hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" Marahang tumango si Benjamin at naupo sa kama niya na wala nang takip na bedsheet ngayon.

"Walang mag-aalaga kay lola sa bahay. Medyo malapit lang din naman ang samin dito sa University kaya ayos lang." Tumangu-tango na lang ako.

Ito yung sinasabi ko sa kanila M at Jonah na gagawin ko ngayong weekend. Nabanggit na kasi sakin ni Ben last week ang plano niya na umalis dito sa dorm at umuwi sa kanila. Nagkasakit kasi ang lola nito at kailangan ng magbabantay at mag-aalaga dito.

"Hmm alam ko na! Para makabawi sa pagtulong sakin, libre ko na lang lunch mo ngayon." Nakangiting suhestyon ni Ben nang matapos siya sa ginagawang pag-aayos sa mga natitira niyang gamit.

"Wag na. Hindi mo na ko kailangang ilibre. Tinulungan lang naman kita."

Akala ko ay magpapapigil si Ben, pero hindi. Mukhang desidido siyang mailibre talaga ako ng tanghalian ngayong araw. May pera naman na sana ako dahil nga dun sa pinadala ni Tita Lalaine, pero sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Isang beses lang akong tatanggi. Libre na rin 'to ano.

"Ah basta, ililibre kita. Sige na, magbihis ka na muna. Isipin mo na lang na farewell party mo ito para sa roommate mo for almost two years."

"Sira! Pa-farewell party ko pero libre mo?" Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ko.

Agad na rin akong nagbihis gaya ng bilin ni Ben. Sa isang malapit na barbeque restaurant niya ko dinala. Hindi ako pamilyar sa kainan na 'to dahil bihira lang naman akong kumain sa labas. Si M at Jonah lang naman itong napakahilig mag-buffet, samgyupsal at shabu-shabu.

"Ben, mura lang ba dito?" Tanong ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Mahirap na, baka mamaya mapasubo pa 'tong kasama ko dahil sakin.

"Oo, medyo mura lang dito. Kaya nga dito rin kita dinala. Masasarap kasi pagkain nila dito tapos hindi ganun kamahal. At least, may idea ka na kung saan mo pwedeng dalhin yung susunod mong girlfriend."

Natawa ako sa sinabi ni Ben, dahilan para kunutan niya ko ng noo. "Matagal pa 'yan, bro. Sa ngayon eh sinusunod ko na muna ang payo ni Nanay Memory. Lagi akong sinesermonan eh. Dapat daw, yung susunod kong maging girlfriend eh yung pang forever ko na. Tigilan ko na daw ang paglalaro sa feelings ng mga babae."

"Talaga? Mabuti pala kung gano'n. Pero malay mo, yung the one mo eh matagal mo na palang kakilala." Natigilan ako sa sinabi ni Benjamin. Hindi ko alam kung may iba pa siyang ibig sabihin doon pero hindi na lang din ako umimik at nagtanong pa.

***

Rem's POV

Tagaktak ang pawis ko nang tuluyan ko nang mailapag ang kahong naglalaman ng mga gamit ko. Inilapag ko na rin ang malaking bag na dala ko at ang bag pack na nakasukbit sa likod ko. Marahan kong minasahe ang sariling balikat.

Dapat pala talaga, kaunti lang ang gamit na dinala ko sa pad. Pahirapan tuloy ang paglipat. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nilaglag ako ng sarili kong kapatid. Kapag naaalala ko yung naging pag-uusap namin nila mommy at daddy nung isang araw ay parang kumukulo na naman ang dugo ko sa inis.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon