"ARE you really sure about this, kuya? Papasok ka na talaga?"
Bumuntong hininga ako na alam kong narinig ni M mula sa kabilang linya. Pangsampung beses niya na yatang naitanong 'to sakin ngayong araw.
"Yes, I'm sure. I'm fine now. Iba pa rin kasi talaga yung pumapasok ako sa University compared sa pagho-home schooling." Sabi ko habang nakaharap ako sa salamin at tinitingnan kung wala bang gusot ang suot kong damit.
"But... still,"
"M, I told you... I'm fine now. Wala ka bang tiwala sa sarili mong kapatid?"
Wala agad akong narinig na sagot mula sa kanya. Mukhang malalim pa rin ang iniisip nito tungkol sa pagpasok ko ngayong araw. I know, she's just worried. But I have confidence that I can handle myself now.
"Hmm fine. I won't argue with you anymore. Basta ha, if you feel uncomfortable, tawagan mo agad ako, okay?"
"Yeah, sure."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Memory, pinatay ko na rin kaagad ang phone ko. After three weeks of being a lame loser, here I am, back on my feet again.
Wala namang masyadong nangyari sa loob ng tatlong linggong pagmumukmok ko. Iniiwasan ko pa rin ang pakikipag-usap kila mom at dad. Kay M ko lang pinapasabi ang mga request at suggestion ko.
Don't get me wrong. I'm not mad at them. Alam kong normal lang naman na makaramdam sila ng matinding disappointment sakin. I just don't have the energy to talk with people, since that day. Pakiramdam ko, araw-araw akong pagod at walang gana sa lahat ng bagay.
Nakatulong din naman na parehong busy palagi sila mommy at daddy kaya halos wala na rin silang time para kumustahin pa ko pagkatapos nung nangyari. Sucks, right? Anyway, that's totally fine with me.
I somehow became numb after everything. And I think it's better this way. Kahit kasi papano, hindi ko na mararamdaman ang sakit na ibabato sakin ng mundo.
Pagkatapos kong mag-ayos at maihanda lahat ng gamit ko, dumiretso na ko sa labas ng bahay namin kung saan naghihintay si Kuya Tonyo na personal driver ni dad. Siya ang maghahatid sakin ngayon papapuntang Uni. Well, basically... siya na rin ang magiging taga-sundo ko from now on.
Bilin iyon ni dad. I'm still not allowed to go back to my dorm to get my things back as well.
Kahit naman hindi niya na ko pagbawalan, wala na rin naman talaga akong plano na bumalik pa sa dorm. I don't want to see a certain someone there.
"Sir Rem, nandito na po tayo."
Our trip went so fast na hindi ko na halos namalayan ang pagdating namin, finally sa University. Napagtanto ko na lang na nandito na kami nung magsalita si Kuya Tonyo at matanaw ko mula sa bintana ang main gate ng campus.
Muli na naman akong binundol ng panandaliang takot at kaba nang makita ko ang iba pang mga estudyanteng papasok na rin sa loob.
No, Rem. This is not the right time to be afraid. You can do this! Pagkumbinsi ko sa sarili ko.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at kasabay ng tuluyang pagbaba ko sa sasakyan ay siyang pagpapakawala ko rin ng hangin sa ere.
Nilingon ko muna saglit si Kuya Tonyo bago ako marahang yumuko sa kanya bilang paalam.
Nagsimula na akong maglakad papasok sa main gate. Contrary to what I'm expecting, the people around me are somehow chill and just minding their own businesses.
Maybe, I'm just exaggerating when I imagined that all of their eyes will be on me, once I'm back.
Sabagay, sino nga ba naman ako para pagtuunan nila ng pansin? It must be that or sadyang humupa na lang din talaga siguro yung issue patungkol sa amin ni Dan.
Anyway, it's not that I'm complaining. Mas mabuti na nga yung ganito.
Nasa tapat na ko ng room namin nang huminto ako at sandali pang nakipagtalo sa sarili ko kung tutuloy na ba ko sa pagpasok.
Bigla kong naalala sila Rachelle. I hope they're not mad at me for leaving them hanging after what happened.
I gathered all my strength and pushed the door of our room. Good thing na maaga akong pumasok. Kaunti pa lang ang nandirito.
Pero sa kabila nun, napansin kong napunta pa rin sa akin ang atensyon nilang lahat pagpasok ko.
I am already expecting negative feedbacks as soon as I entered our room, pero laking gulat ko nung ngumiti sila sakin na para bang natutuwa silang makita ako ulit.
"Rem, welcome back!" Mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot si Rachelle at niyakap ako.
"Welcome back, Rem!"
"Rem, long time no see."
"Walang nagbago, gwapo mo pa rin, Rem!"
Hindi ko inaasahan ang mga nakuha kong reaksyon mula sa kanilang lahat. What is happening? Why are they being like this?
"Huy, lagot kayo! Pinaiyak niyo si Rem."
Rinig kong sabi ni Aki na hindi ko namalayang nandito na rin pala. Napahimas ako sa pisngi kong basa na nga dahil sa luhang naglalandas dito. Umiiyak na pala ako and I'm not even aware of it.
Pero hindi ito luha dulot ng lungkot o ano pa man. It was because of the overwhelming warmth and joy that I felt after witnessing their reactions.
"M-Mga sira kayo. Ba't kasi kayo ganyan?"
Nauutal kong sabi habang pinupunasan ang sarili kong luha. Nakiyakap na rin sakin sila Warren at ang ending, nakigaya na rin ang iba pa naming blockmates. Para tuloy kaming nag-group hug.
"We're just glad that you're back and you're okay, Rem."
Nakangiti si Rae nang sabihin niya sakin 'yon. Mukha na rin siyang naiiyak pero halatang nagpipigil lang siya.
"Rem, hindi man halata, pero sobrang nag-alala kami sayo matapos nung nangyari. Tagal mo pa ngang hindi nagparamdam. Kaya naman, hindi mo kami masisisi kung ganito na lang kami mag-react ngayon." Dugtong pa ni Warren na alam kong masaya talaga na nakabalik na ko. It was clearly written on his face.
"Oo nga, Rem. Kahit ano pang issue ang kumalat patungkol sayo, hindi na nun mababago ang katotohanang ikaw ang napakabait naming kaklase na laging game sa pagtulong samin sa acads."
Sabat naman ni Josh.
Sumang-ayon naman ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang tuwa sa puso ko.
"A-Aren't you guys disgusted with me?"
Sabay-sabay silang umiling. "Bakit naman? 2021 na. Hindi na uso ngayon yung mga homophobic ano." Komento ni Elaine na isa rin sa mga kaklase ko.
Tuluyan na kong napangiti at kahit nahihiya man sa pagpapaulan nila ng suporta at encouragement sakin, isa-isa ko pa rin silang pinasalamatan. Their words really comforted me.
Pakiramdam ko, mas nagkaroon ako ng tiwala at kumpiyansa sa sarili. I'm glad and lucky to have these people around me. Hindi man ako tanggap nila dad, at least, masasabi kong maswerte ako at majority namang ng mga nasa paligid ko, tanggap ako at ang buo kong pagkatao. And I guess, that's what matters the most.
To be accepted by who you really are, despite of having flaws and imperfections.
#
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
JugendliteraturRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...