Chapter 20

417 19 13
                                    

Seize

Dan's POV

"Ano?! No. Fuckin'. Way. Hindi mo 'yan gagawin, Dan!"

Bulalas ni Nicolo na napatayo pa nga mula sa kinauupuan nang sabihin ko sa kanya ang plano ko. Naiiling na binatukan ko naman siya at marahas na hinila para maupo ulit.

"Sira. Ang ingay mo."

Saway ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. Mahirap na ano. Baka mamaya andito pala si Rem. Sinadya ko ngang dalhin sa ibang lugar si Nico para kausapin dahil alam kong pwedeng tumambay si Rem sa Sky Blue Cafe.

"Ako pa ang sira? Napag-isipan mo na ba nang mabuti 'yang plano mo?"

Tanong pa nito. Napabuntong hininga ako at napasipsip sa straw ng chocolate shake na nasa harapan ko.

"Ayaw naman kasing maniwala sakin ni Rem kahit anong gawin at sabihin ko. Akala niya yata eh nakikipaglokohan lang ako sa kanya." Himutok ko. Umiiling-iling na nasapo naman ni Nicolo ang mukha.

"Kahit na, Dan. Masyadong risky yung gagawin mo. Tsaka naisip mo na ba ang pwedeng maramdaman ni Rem kapag ginawa mo 'yan? Mapapahiya siya, Dan! Tsaka ikaw? Ayos lang ba sayo 'yon? Bago mo pa nga lang natanggap 'yang nararamdaman mo, 'di ba? Tapos ngayon, nagpaplano ka nang ipangalandakan sa buong mundo na may gusto ka sa isang lalake? At kay Rem pa talaga! Sa mortal mong kaaway mula pa man noon!"

Muling lumanding sa ulo ni Nicolo ang kamay ko matapos niyang mag-hysterical. Nakangiwing napahawak tuloy ito sa kanyang bunbunan na marahan niya nang hinihimas-himas ngayon.

"Nakakailang batok ka na sakin ngayong araw na 'to ah."

"Ang lakas ng boses mo, gago. Mamaya may makarinig pa sayo na kakilala lang natin dito."

Sambit ko habang muling inililibot ang tingin sa buong paligid.

Napabuga ulit ako ng hangin sa ere. Napaisip ako sa mga sinabi ni Nicolo ngayun-ngayon lang. Tama naman siya. Masyado akong magiging padalos-dalos kung itutuloy ko nga ang plano ko. Hindi ko man lang naisip kung anong pwedeng maramdaman ni Rem kapag ginawa ko nga ang planong nabuo sa isipan ko nitong Sabado lang.

Bakit nga ba hindi ko naisip na magiging isang napakalaking kahihiyan sa parte ni Rem ang gagawin ko kung saka-sakali?

"Oh ano? Nakapag-isip-isip ka na?"

Untag ni Nicolo nang mapansin nito ang pansamantala kong pananahimik. Napatango na lang ako bago nangalumbaba.

"Ang tanga tanga ko. Ang dali lang para saking isipin na gawin yung plano ko pero 'di ko man lang naisip kung anong pwedeng maging kahihinatnan ng gagawin ko."

Pag-amin ko. Napatikhim naman si Nicolo at pinagkrus ang kanyang mga braso. Mukha siyang nag-iisip ng sasabihin kaya hinayaan ko na lang din siya. Gago at mukhang timang lang 'tong si Nicolo, pero maaasahan mo naman siya pagdating sa mga ganitong bagay.

Sa ngayon ay si Nicolo lang din muna ang pinagkakatiwalaan ko sa sikreto ko. Sa kanya ko lang din naman kasi nasasabi ang lahat dahil alam kong kahit anong mangyari ay hindi ako nito basta-bastang huhusgahan.

Tingnan mo nga naman . . . may parte pa rin sakin ang takot na mahusgahan ng ibang tao pero parang kanina lang ay sinabi ko kay Nicolo na handa na kong ianunsyo sa lahat na gusto kong ligawan si Rem.

Desperado na lang din talaga siguro ako. Kahit kasi anong patunay ang gawin ko ay parang wala namang epekto kay Rem. At the end of the day, ang tingin pa rin niya sakin ay isang gagong wala nang mahanap na babaeng paglalaruan kaya siya naman ang naisipan kong pag-trip-an ngayon.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon