MEMORY
"What do you think? Masyado bang obvious na naghanda ako nang bonggang-bongga?" tanong ko kay Jonah na prenteng nakaupo sa tapat ko habang humihigop ng binili niyang iced coffee. Umikot-ikot ako sa harapan niya. Sinigurado kong makikita nito bawat anggulo ng ayos ko ngayon.
"Hmm hindi na masama. I think, you're good to go na," komento nito matapos akong suriin.
Nakahinga naman ako nang maluwag matapos marinig ang naging tugon nito. Kagabi pa lang ay halos hindi na ako makatulog sa kakaisip ng mga gagawin ko para ngayong araw. Mula sa susuotin kong damit hanggang sa mga topic na pwede kong i-open up sa kanya para mapag-usapan namin. I've never been this anxious in my whole life!
"Bakla, chill! Halatang tense ka masyado. Para namang katatagpuin mo ang presidente sa awra mong 'yan," puna ni Jonah. Marahil ay napansin din nito ang uneasiness ko.
"Baks, I'm calm..." Tinapunan ako ng kaharap ko ng isang nagdududang tingin. Napabuga ako ng hangin sa ere.
"Okay... maybe not that calm, but I'm perfectly fine. I know I can do this," dugtong ko.
Umayos ng upo si Jonah bago inilapag ang cup ng iced coffee na hawak niya sa mesa. "Wala naman akong sinasabi na mukhang hindi ka okay. I know you. No matter how tensed or stressed you are, nagagawa mo pa rin nang maayos ang mga bagay-bagay. Pero curious lang talaga ako, sino ba kasi talaga 'yang kikitain mo at ayaw mo pang ipaalam sakin in advance, ha?"
Sunod-sunod akong napalunok nang magsimula nang magtanong si Jonah. Hindi ko pa nga pala pinapaalam sa kanya kung kanino ba ako makikipagkita. I just told him that someone would pick me up today at doon ko lang ipapakilala sa kanya ito.
"Sabi ko naman sayo, di ba? It's a surprise. May surprise bang pinapaalam muna?"
"Sus! Sabihin mo, natututo ka na lang talagang humarot behind my gorgeous back! Inunahan mo pa talaga ako ha. Sino ba kasi? Mas lalo tuloy akong na-curious. Same department ba natin? Matangkad ba?"
Napangiwi ako. Ayoko nang pahabain pa ang usapang ito hangga't maaari. Mukha namang narinig ng langit ang hiling ko. Bigla na lang kasing tumunog ang ringtone ng phone ko at iyon mismo ang nagligtas sakin sa pagsagot sa mga tanong ni Jonah. Dali-dali akong lumayo at sinagot ang tawag. Minabuti kong wag i-on ang speaker, dahil baka makiusyuso si bakla.
"Hello?"
"Hey, I'm on my way na. I'm still not familiar to your place, so I would really appreciate it if you could step outside of your house to see me," bungad nito sakin pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag. Gosh, she's fast! Parang kanina lang nag-chat pa siya sakin na naliligo pa lang siya ah.
"Uhm yes, of course. I'll head outside now."
"Okay. See 'ya."
"Yup!"
Agad ko nang pinatay ang tawag. May pagmamadali sa kilos ko nang dukutin ko sa may sofa ang sling bag ko bago ako dumiretso papalabas ng pinto.
"Hoy, bruha! Andyan na boylet mo?"
Pinigilan kong matawa nang marinig ko ang huling sinabi ni Jonah. Malamang, magugulat talaga siya pag nalaman niyang hindi boylet, kundi isang girlalu rin ang kakakitain ko. Anyway, malalaman niya rin naman, so there's no point in spilling the truth so soon.
"Malapit na daw siya. Sasalubungin ko lang at baka lumagpas dito sa bahay," sabi ko habang binubuksan ang gate namin. Nakasunod sakin si Jonah na mukhang excited na rin na makilala ang date ko for today. Napailing-iling na lang ako at nang tuluyan na kaming makalabas, siya ring pag-park sa mismong tapat naman ng isang kulay pulang sasakyan na nakakasigurado akong sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...