Chapter 31

285 13 3
                                    

Temptation

Warning: Slightly mature content at the end part of the chapter. Not suitable for readers below 18 years old.

Dan's POV

"Ako na magbubukas." Alok ko kay Rem nang mapansin kong hirap na hirap siya sa pagbubukas ng hawak niyang bote ng C2.

Hindi naman siya umangal nang kunin ko mula sa kanya ang bote at agad na binuksan ito. Nakangiting ibinalik ko sa kanya ang C2 pero iniwasan lamang nito ang tingin ko.

He's been doing that for almost a week already. Pansin kong mas dumoble ang ilang na nararamdaman niya para sakin at wala akong kaide-ideya sa kung ano kaya ang maaaring dahilan.

"Ako na diyan."

Prisinta ko ulit nang akmang bubuksan niya naman yung supot ng malaking Nova. Tumaas ang isang kilay ni Rem habang pinapanood akong gawin ang mga bagay na ito para sa kanya. Ngumiti lang ako ng pagkatamis-tamis pero tulad kanina, dinedma na naman ako nito.

Argh. This is frustrating!

"Shit!"

Napatayo si Rem nang bigla na lang humangin ng malakas at tangayin nito ang mga papel na naglalaman ng notes niya. Bago pa siya muling makakilos, hinawakan ko na ang kanyang isang kamay para pigilan siya. Kunot ang noong nilingon naman ako nito.

"Ako na ang kukuha."

Sasagot pa sana ito pero mabilis na kong kumilos para kunin ang mga papel na tinangay ng hangin.

"Eto na. Wait lang, check ko baka may iba pang di ko napulot."

Abala ako sa pag-a-arrange ng mga papel ni Rem kaya hindi na rin ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makita ang reaksyon nito. Natigil lang ako sa ginagawa nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo ni Jonas.

Oo nga pala, nawala na sa isip ko na kasama rin namin ngayon si Memory at Jonas. Paano, masyado akong preoccupied sa pag-iisip ng dahilan kung bakit parang iniiwasan na naman ako ni Rem mula pa nung mga nagdaang araw.

"Sana all, inaasikaso!"

May himig panunukso sa boses ni Jonas nang isigaw niya iyon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Rem saglit pero nauna na itong magbaba ng tingin habang namumula ang kanyang mga pisngi.

Cute.

"Alam mo, M? may naaamoy akong masangsang talaga eh..."

Dagdag pa ni Jonas habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Reminiscence.

Napangisi naman si Memory at mabilis na tumango habang binibigyan din kami ng kuya niya ng makahulugang tingin.

"Agree ako sa sinabi mo, beks. Something's fishy around here..."

"Di ba? Para bang may gustong umamin?!"

Napabungisngis ang dalawa at sabay pa ngang nag-apir. Tinapunan ko naman ng tingin si Rem na nasa tabi ko at kanina pang tahimik. Nakayuko lamang ito na animo'y napakalalim ng iniisip.

Bumuntong hininga ako bago ko tuluyang iniabot sa kanya ang notes niya. Alam kong hindi siya komportable sa mga pang-aasar nila M at Jonas samin. Hindi siya kumibo nang kunin niya mula sa kamay ko ang mga papel.

Mula sa peripheral view ko ay kitang-kita ko pa kung papaanong mas lumawak ang pagkakangiti ng dalawa sa nasaksihan nilang eksena. Dahil dun ay tuluyan ko na silang hinarap at kinausap.

"Hoy, kayong dalawa!"

Natigilan ang dalawa at takang-taka na napatingin sakin.

"Problema mo, papi? Makasigaw ka naman diyan! Ang lapit lapit lang kaya namin sayo."

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon