Chapter 36

281 12 0
                                    

Smile For Me

Dan's POV

Hindi maipinta ang mukha ko sa buong biyahe namin papunta sa Smile For Me Orphanage. Bukod sa totoong malayo nga ang bahay ampunan, hindi ko maiwasang makadama lamang ng bagot at inis sa ingay ng mga bugok na binugbog ko nung isang araw.

Gustuhin ko mang kausapin si Rem para kahit papaano'y malibang ako sa biyahe ay hindi ko rin magawa dahil pawala-wala ang signal. Wala tuloy akong magawa kundi ang mapasimangot na lang sa inis.

Idagdag pa nga ang katotohanang katabi ko ngayon ang presidente ng org na walang iba kundi ang bakulaw na kaibigan ni Rem na minsan ko na ring pinagselosan noon.

Hindi ko alam kung sadya bang maliit ang mundo o talagang malas lang ako ngayong araw na 'to.

"Guys, we're here! Ihanda niyo na ang mga gamit niyo."

Maiidlip na sana ako saglit nang maalimpungatan ako sa sigaw na iyon ng secretary ng org. Mabilis na nagsipagkilos ang mga kasama ko. Ako naman ay nanatili lamang na tahimik sa aking pwesto. Hinayaan ko muna silang mauna sa pagbaba.

"Hey, hindi ka pa ba bababa?"

Nag-angat ako ng tingin kay bakulaw. Pake ba nito?

"Mamaya na. Magpapahuli ako." Bagot kong tugon.

"You're not trying to ditch us, right?"

"Ano?!"

Mahina siyang tumawa at umiling-iling.

"Nothing. Just kidding. Though, hindi ko talaga mapapalampas if tatakasan mo lang kami. Anyway, nandito ka para pagbayaran ang nagawa mo sa University. So, make sure to get out of here as soon as possible. Una na muna ako, bro."

Bahagya pa ako nitong tinapik sa balikat bago ito tuluyang bumaba ng bus. Inis kong pinagpag ang balikat kong nadampian ng kamay ng bakulaw na 'yon.

Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang yun ah. Ang yabang. Akala mo naman kung sino. Baka akala niya diyan eh kaya niya na kong sindak-sindakin dahil lang sa siya ang presidente ng org. Kahit siya pa ang presidente ng Pilipinas, wala akong pake!

"Okay, guys! As soon as we get inside, let me all remind you na wala tayong ibang gagawin kundi ang ipamigay ang mga dala nating charity at pagkain, okay? No bullying and playing with the kids too much. After that, we'll stay here to rest and call it a day. Bukas ay yung isang orphanage naman na malapit dito ang pupuntahan natin. Same routine. Dun na rin tayo magpapalipas ng gabi at pagkabukas, tsaka pa tayo bibiyahe pabalik sa University. Everything's clear?"

"YEEEES!"

Hindi ko maiwasang mapaismid habang pinapanood ko ang bakulaw na siyang manguna samin sa pagpasok sa loob ng orphanage.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob, agad kaming sinalubong ng kumpol ng mga bata na mukhang excited at tuwang-tuwa sa pagdating namin.

"Kids! What did I tell you earlier?"

Mula sa kung saan ay lumabas ang isang ginang na naka-all yellow mula ulo hanggang paa.

Bigla namang natahimik ang mga bata sa pagsulpot ng ginang. Agad silang lumayo sa amin at bumuo ng maayos na linya na para silang nakapila.

"WELCOME TO THE SMILE FOR ME ORPHANAGE! MABUHAY!"

Sabay-sabay na sambit ng mga bata. Nagsipagpalakpakan naman ang mga kasama ko na pawang tuwang-tuwa sa mainit na pagsalubong sa amin ng mga bata.

"Very good! That's my children."

Masayang anunsyo ni Yellow Lady bago kami nito binalingan ng tingin at tuluyang nilapitan.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon