Chapter 42

229 9 1
                                    

Unexpected help

Memory’s POV

HINDI ako mapakali. Maya’t maya ang pagsulyap ko sa phone ko para i-check kung anong oras na ba. Napabuga na lang ako ng hangin matapos makitang almost twenty minutes pa bago mag-time.

Ano ba naman ‘yan?! Gusto ko nang makita at makausap si Dan.

Kanina pagpasok ko, plano ko talagang dumiretso sa building nila Dan, pero nataon naman na present na ngayon yung prof naming napakahilig mang-ghost.

Napaka-bad timing nga eh. Ngayon niya pa talaga naisipang pumasok, kainis.

Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa desk at pinikit saglit ang mga mata ko. Kampante naman akong hindi ako mapapagalitan dahil bukod sa malabo na ang mga mata ng gurang naming prof, nasa pinakalikuran din ako nakapwesto. Napakababa ng chance na makita niya ko’t masermonan.

Habang nakasubsob pa rin ang ulo ko sa desk, pasimple kong in-on ulit ang phone ko at nag-type ng panibagong message para kay Dan.

Actually, kahapon pa kong panay contact sa kanya pero as expected, hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Wala ring reply sa mga chat at text. Kahit seen, wala rin.

Hindi na rin naman nakakabigla ‘yon. Normal lang naman ang magmukmok matapos ang isang major heartbreak.

Naalala ko na naman tuloy ang eksena nilang dalawa ni kuya kahapon. Iyon na nga yata ang unang beses na nakita ko ang best friend ko at ang kapatid ko na umiyak at maging emosyonal. Pati tuloy ako, naiyak na rin nang bonggang-bongga!

Kung may magagawa nga lang din talaga ako.

Well, actually...

I think may maitutulong naman talaga ako kahit papaano.

“Okay, class. I guess that is all for today. Goodbye and have a nice day ahead.”

Ako agad ang unang napatayo samin nang marinig ko ‘yon. Sa lahat yata ng mga sinabi ng prof namin, iyon lang ang pinakamalinaw kong narinig at naintindihan.

Hindi na nga ko nag-aksaya pa ng oras. Dumiretso na ko kaagad sa CBM building pagkatapos na pagkatapos ng klase namin. Feeling ko nga, naunahan ko pa sa paglabas ng room si prof sa pagmamadali ko.

Wala na kong naabutan sa room nila Dan nung dumating ako. Kanina pa pala silang vacant at ang next class nila ay mamaya pang alas-singko.

Kung minamalas ka nga naman!

Ano nang gagawin ko ngayon? Tawagan ko na kaya si bakla para magpatulong?

Hinugot ko ang phone kong nasa bulsa, bago ko hinanap agad ang number ni Jonah. Agad din namang itong sumagot pagkatawag na pagkatawag ko.

“Hell—”

“Naku, bakla! Alam ko na ‘yang sasabihin mo. Kung magpapatulong ka, wag muna ngayon. Busy pa ang lola mo!”

Wala pa nga akong sinasabi eh!

“Bakla naman! Alam mo naman na yung problema about sa kanila Dan at Kuya, ‘di ba?”

“Oo, bruha alam ko ‘yon. Kaya lang, kahit na gusto ko rin namang maki-chismis at tumulong, wala rin akong maitutulong talaga sa ngayon, bakla. Dami naming eklavu this week.”

Napabuntong hininga ako. Paano na ‘to? Hindi ko rin ma-contact si Nicolo mula pa kahapon. Wala rin naman akong contact number ng iba pang tropa nila kaya wala rin akong ibang malalapitan.

Gosh, this is frustrating.

“Sige, beks. Balitaan na lang kita kapag nakausap ko na si Dan.”

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon