Chapter 22

348 18 4
                                    

Wake up call

Mukha ni Nicolo ang bumungad sakin nang tuluyan na kong magmulat ng mga mata. Bahagya ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko para masigurong gising na talaga ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko nang mapansing nandito na pala ulit ako sa dorm.

"Si Dan,"

Agad akong napabangon nang maalala ko na ang mga nangyari kanina bago ako mawalan ng malay. Napangiwi pa nga ko sa biglaan kong paggalaw. Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko dahilan para mapahawak ako dito.

"Rem, magpahinga ka muna. Wag mong biglain ang sarili mo."

Napaangat ako ng tingin kay Nicolo.

"Nasa'n si Dan? Anong nangyari? Nahuli na ba nila yung mga hayop na 'yon? Ayos lang ba si Dan?"

Napapikit ng mariin si Rem. Itinaas nito ang dalawang kamay at sinenyasan akong mahiga na muna ulit.

"Ayos lang si Dan. Nasa ospital siya kasama si Kuya Julian pero sabi ng doktor, wala naman dawng kumplikasyon sa kondisyon niya."

Nginitian ako ni Nico. Wari'y sa ganoong paraan ay gusto niyang ipaalam sakin na wala na kong dapat pang ipag-alala at na magiging maayos lang ang lahat. Pero taliwas pa rin dun ang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para kay Dan lalo na ngayon na nalaman kong nasa ospital siya. Kung ayos lang talaga siya ay dapat kasama ko na siya ngayon dito sa dorm.

"Gusto kong makita si Dan, Nico. P-Puntahan natin siya."

Pakiusap ko. Bumuntong hininga ang kaharap ko at marahang umiling.

"Hindi pwede. Bilin ng nurse kanina na pagpahingahin ka. Kaya ka nawalan ng malay kanina eh dahil sa sobrang pagpa-panic. Kung gusto mo, bukas ay bibisitahin natin si Dan. Pero sa ngayon, magpahinga ka na muna."

"Pero pano si Dan?"

Akmang babangon na ulit ako nang tumayo si Nicolo at itinulak ako pahiga sa kama.

"Wag nang matigas ang ulo, Rem. Andun naman si Kuya Julian. Hindi niya papabayaan si Dan. Bilin ko rin sa kanya na tumawag pag may masamang nangyari o emergency, so rest assured na safe na si Dan. Isa pa, nahuli na rin ng mga pulis ang lahat ng bumugbog kay Dan kasama na nga ang mastermind nila. Wala ka nang dapat na ipag-alala pa."

Napalunok ako at napatangu-tango na lang. Ang dami ko pa sanang gustong itanong kay Nicolo pero halata ko rin sa mukha nito na pagod siya at gusto na ring magpahinga. Naalala ko tuloy ang ginawa nitong pagtulong samin kanina. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan.

"Uhm Nico . . . "

Tinigil nito ang ginawang pag-aayos ng kumot ko bago ako nilingon. "Ano yun?"

Tumikhim ako bago tipid na ngumiti sa kanya.

"Salamat. Kung wala ka kanina, baka mas malala pa ang nangyari kay Dan."

Naiiling na napangiti na rin siya.

"Don't mention it. Ginawa ko lang kung anong makakaya ko. Sa totoo lang, si Dan lang talaga ang naglakas loob na sumugod sa pinagtataguan sayo ng gagong 'yon. Bilin kasi nito na dapat mag-isa lang si Dan dahil kung hindi ay may gagawin siyang masama sayo. Pero bilang best friend ni Dan, hindi ako makakapayag na wala akong gawin. Anyway, hindi ito ang tamang oras para pagkuwentuhan natin ang tungkol sa mga nangyari. Matulog ka na ulit. Kailangan mong makabawi ng lakas para okay nang bisitahin natin yung isa bukas."

Tumango na lang ako at sinunod na nga lang ang payo nito. Dumiretso na rin si Nicolo sa kama ni Dan matapos nitong masiguro na matutulog na nga ko ulit. Ipinikit ko na ang mga mata ko pero ang eksena kanina ang paulit-ulit na rumerehistro sa isipan ko.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon