Chapter 50

292 10 0
                                    

REM

"I'm sorry, Rem. Kailangan ko nang umalis."

Isa-isang pumatak ang mga luha ko. Gusto kong pigilan si Dan sa plano nitong paglisan. Gusto ko siyang hawakan. Gusto kong isigaw ang kanyang pangalan, pero hindi ko magawa.

Para akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi makakilos at makapagsalita man lang. Pinanood ko siya habang unti-unti siyang lumalayo sakin. Sa paglalakad niya ay napansin kong pati ang tanging liwanag na meron ako'y kasama niyang lumilisan.

Dan...

Sinubukan kong iangat ang kamay ko para abutin siya, pero masyado na siyang malayo sa kinatatayuan ko. Wala na rin ang liwanag. Madilim. Sobrang dilim. Wala na akong makita. Wala na si Dan. Wala na lahat.

"Rem, anak!"

Nag-aalalang mukha ni Dad ang sumalubong sakin nang idilat ko ang mga mata ko. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nang masiguro kong panaginip lang yung kanina ay napabuntong hininga ako at nagmamadaling bumangon mula sa pagkakahiga.

"Are you alright, son?" Binalingan ko ng tingin si Dad. Pagkatapos ay napunta ang atensyon ko sa yakap-yakap kong si Danny.

"Y-Yeah. I just have a nightmare."

Napahawak ako sa noo ko at doon ko lang napansin na tagaktak na pala ang pawis ko. Medyo malalim din ang paghinga ko.

"No, you're not. It's triggering your phobia. Wait for me, here. I'll get your meds."

May pagmamadali sa kilos ni Daddy nang lumabas siya ng kwarto ko. Wala akong ideya kung anong ginagawa niya dito in the first place, pero gusto kong magpasalamat na nandito siya para gisingin ako sa bangungot na 'yon.

Napapikit ako nang mariin. Mas humigpit ang pagkakayakap ko kay Danny. Fortunately, nakatulong si Danny na pakalmahin ako kahit papaano.

Muling bumukas ang pinto at hindi na ako nagulat nang makita ko si Dad, bitbit ang tray na may lamang isang basong tubig at ang kit na naglalaman ng medications na madalas kong inumin kapag inaatake ako ng symptoms ng phobia.

"Here,"

Agad kong inabot ang tubig at ininom ang gamot na dala ni Dad. Tumabi siya sakin at marahang hinimas ang likuran ko.

"Sumisigaw ka kanina sa panaginip mo. Sobrang nag-alala ako."

Ramdam ko na sincere si Dad sa sinabi niya, ngayun-ngayon lang. I can really feel that he's worried and terrified at the same time.

"Thanks for waking me up, Dad."

Bumuntong hininga si Daddy. Napalingon ako sa gawi niya at napansin kong malalim ang iniisip niya sa mga oras na 'to.

Hindi na lang din muna ako umimik. Kung iisipin, ito ang pinakamahabang naging pag-uusap namin, mula noong maghiwalay kami ni Dan. Gusto kong malaman kung anong gumugulo sa isipan niya ngayon, pero kilala ko si Dad. Magsasabi siya kung kailangan.

He's just like me... somehow.

"Rem," Tawag nito sakin.

"Po?"

Muli siyang nagpawakala ng isang malalim na buntong hininga. Ang mga kamao nito'y nakakuyom. Something is really bothering him and it's obvious.

"I-I'm sorry, anak."

Namilog ang mga mata ko sa sumunod na sinabi nito. Sorry... I never expected that I would ever hear this word from him. Ma-pride na tao ang ama ko and we are all aware of that. Kaya naman ang marinig mismo mula sa kanya ang salitang sorry ay talaga namang bago sakin.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon