"Kuya, eto oh. Gusto mo?" Biglang iniangat ni M ang isang pack ng tortillos sa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa grocery store ngayon para mamili ng mga wala na sa bahay.
Pwedeng-pwede naman itong gawin ng mga kasambahay kung tutuusin, pero pinalaki kasi kaming hindi umaasa sa ibang tao. Bata pa lang, lagi nang pinapaalala samin ni Dad ang kahalagahan ng pagtayo sa sariling mga paa.
It's weekend kaya umuwi na muna si M. Simula nung umalis ako sa dorm namin ni Dan, halos maya't maya na rin ang pag-uwi ni Memory sa bahay. Siguro ay nag-aalala rin siya, dahil alam kong hindi siya sanay na makita ako sa ganoong kalagayan.
"I don't like chips. Sayo na lang 'yan."
Sabi ko bago tinulak ang cart papalapit sa mga aisle ng sabon at shampoo.
"Eh chocolates? Okay lang?" Napaigtad ako. Bigla na lang kasing nagsalita si M sa mismong tenga ko. I sighed and just grabbed the brand of soap we always use, before I faced her.
"M... ang mabuti pa, ikuha mo na lang 'tong mga natitira sa listahan. 'Onti na lang naman 'to kaya hindi mo na kailangan ng cart o basket. Sa may counter na lang kita hihintayin."
"Ha? Pero---"
"Sige na. Gutom na ko at gusto ko nang umuwi kaya bilisan mo na." Itinikom na nito ang bibig, pero maya-maya pa'y bigla siyang ngumuso.
Napailing-iling na lang ako. Alam ko namang gusto lang niya akong pasayahin sa kahit na anong paraan, pero sa mga nangyayari ngayon, parang wala na kong karapatan na sumaya pa. At mas lalong wala na rin akong dahilan para maging masaya.
It's like I'm living, but at the same time, I'm dead. There is always this hollow feeling inside of me. Alam niyo ba yung pakiramdam na bumabangon ka, kumakain, nag-aaral, pero parang wala na lang sayo lahat? Ganoon mismo yung nararamdaman ko ngayon. Laging may kulang. Laging wala akong gana.
Ngayon ko nga lang na-realize na hindi pala exaggeration lang yung sinasabi ng mga taong broken, na parang may biglang nawala sa kanila. Na hindi na sila kumpleto. Dati, pinagtatawanan ko lang ang mga naririnig kong nagsasabi nun.
But now, everything feels exactly like that. Pakiramdam ko simula nung mawala si Dan, kasama niya ring nawala ang isang bahagi ng pagkatao ko.
"Yeah, I've heard you. Heto na nga at palabas na ko ng---HEY! Watch where you're going!"
Nanlaki ang mga mata ko matapos kong aksidenteng mabangga iyong babaeng biglang lumiko sa harapan ko.
"S-Sorry, miss! Hindi ko sinasadya. Ayos ka lang ba?" Nataranta ako at agad na nilapitan yung babae.
Bigla nitong tinabig ang kamay kong aalalay sana sa kanya. Panay ang mahihinang reklamo nito habang inaayos ang nagusot niyang dress.
"Ang mahal mahal pa naman din nito, kainis!"
Napangiwi ako. Hindi ko naman talaga sinasadya. Isa pa, siya itong bigla bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"Seriously, I can make you pay for this."
Tuluyan na siyang humarap sakin. Hinawi nito ang mahabang buhok at inalis ang shades niyang suot. Pero kasabay ng pag-alis niya sa kanyang shades ay siya ring pagkalaglag ng panga ko.
"You... Oh my gosh."
Mukhang tulad ko, nakikilala niya na rin ako ngayon. Napatakip ito ng bibig at hindi makapaniwalang tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"It is really you, right? Reminiscence?"
Gulat man na muli siyang makita, marahan akong tumango sa naging tanong niya. Napahimas ako ng batok. Sa lahat lahat ba namang ng pagkakataon na makikita ko ulit siya, ngayon pa talaga?
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...