BIRTHDAY ko nga... at nakalimutan ko. Well, to be honest, wala lang din naman talaga sakin kung birthday ko nga ngayon. Bukod sa never ko naman talagang itinuring na espesyal na araw ang araw ng pagkasilang ko, hindi rin ito ang tamang oras para magsaya at i-celebrate ko ang sarili kong kaarawan.
"Sosorpresahin ka sana namin kanina kaya lang, ayun nga. Wala kaming Dan na naabutan sa dorm niyo."
Biglang sabi ni Nicolo na siyang nasa driver's seat ng van.
"Kung ganun, hindi niyo na sana ako sinundo dito. Wala ako sa mood na mag-celebrate ng sarili kong birthday."
Muli silang nagkatinginan. Sandali silang natahimik sa sinabi ko. Si Kuya Julian ang unang bumasag ng katahimikan.
"Dan, naiintidihan namin 'yang nararamdaman mo. Pero sana naman kahit isang araw lang, maglaan ka naman para sa sarili mo." Seryosong sabi nito.
"Oo nga naman, Dan. Tsaka wag kang mag-alala, hindi naman tayo magpapakasaya eh. Syempre, nirerespeto namin na wala ka sa mood magsaya ngayon."
Kumunot ang noo ko nang bigla namang magsalita si Ronald.
"Anong ibig niyong sabihin?"
Sinenyasan ni Ron si Kev na ipakita ang kung ano mang nasa tabi nito at ganoon na nga lamang ang panlakaki ng mga mata ko, matapos makita ang tatlong case ng red horse na maayos na nakasalansan sa tabi niya.
"The fuck!" Naibulalas ko na lang.
Wala naman siguro silang plano na ubusin 'tong lahat sa isang bagsakan lang, di ba?
"Magpapakalasing lang tayong lahat ngayong gabi!"
Excited na sigaw ni Nicolo na sinabayan na rin nilang lahat.
"Yes! Ako rin!"
Napatingin ako sa katabi kong agad na naitikom ang bibig nang ma-realize na narinig ko yung sinabi niya.
"Jonas, bantayan mo itong si M. Huwag mong hahayaan na makainom." Bilin ko.
"Roger that, birthday boy. Akong bahala dito kay M."
Napanguso si Memory. Pinagkrus nito ang mga braso at inis akong tiningnan.
"You guys are unfair. I'm an adult too. Am I not allowed to have some fun?"
"No." Sabay-sabay naman naming sagot sa kanya kaya kulang na lang, maiyak si Memory sa sama ng loob.
Nagsipagtawanan naman sila Nicolo matapos makita ang reaksyon ni M. Hindi pa nga doon natapos ang pang-aasar nila sa isa. Napuno tuloy ng tawanan, kantyawan at asaran ang buong oras na ginugol namin sa biyahe.
Lihim naman akong napangiti sa isang tabi habang pinapanood ko silang inisin ang isa't isa. Aaminin kong na-miss ko ang presensya nilang lahat. Mas masaya siguro kung nandito ngayon si Rem.
Rem
"M," Kinalabit ko ang katabi ko.
"Yes?"
"Dala mo ba phone mo?" Tumango si M bago hinugot mula sa bulsa niya ang hinahanap ko.
"Manghihiram ka?" Nakangising tanong pa nito habang winawagayway sa harapan ko ang phone niya.
"Oo, kung pwede sana."
"Sure!"
Aabutin ko na sana ang phone nito, pero nagulat ako nang bigla niya na lang itong ilayo sakin. Kumunot ang noo ko at tinawanan naman ako nito.
"May kondisyon."
"Ano? Kailangan pa ba nun? Saglit lang naman akong manghihiram eh."
Umiling-iling si M kaya sa huli, wala rin akong nagawa kundi ang pakinggan siya sa kung ano bang hihingin niyang kapalit.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...