Truce
Hindi ko na napigilan pang mapangiti nang mabasa ko ang nakasulat sa papel. Agad akong lumingon at sumalubong agad sakin ang taong hinahanap ko.
"Rem,"
Napakamot ito ng ulo at hindi pa nga siya makatingin ng diretso sa mga mata ko habang naglalakad papalapit sakin.
"Wag ka munang magsasalita. Ako muna." Sabi nito at sinenyasan akong maupo. Tumango naman ako pero alam kong bakas pa rin sa mukha ko ngayon ang kakaibang saya at tuwa. Hindi ko inaasahang ito ang maaabutan ko sa pagbalik ko. Plinano niya ba ang lahat ng 'to?
"Okay, uhm . . . pa'no ko ba sisimulan 'to?"
Kinakabahang panimula nito. Hinayaan ko lang siya at tahimik na pinanood habang kino-compose niya pa ang sarili niya para sa kung ano man ang mga bagay na sasabihin niya sakin.
"Unang-una sa lahat, I'm sorry. Nagulat din ako nung malaman ko na yung totoo tungkol dun sa nangyari sa inyo noon ni Phoebe. Hindi pa nga ako makapaniwala nung una at parang ayaw ko pang tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko talaga alam . . . wala akong kaide-ideya na ganung klase pala siya ng babae. Masyado akong nabulag ng nararamdaman ko sa kanya noon."
Nakayuko at seryosong paghingi nito ng paumanhin. Ramdam ko naman ang sincerity sa boses ni Rem at sa totoo lang eh hindi niya naman na kailangang humingi ng tawad sakin. Wala siyang kasalanan kung tutuusin. Alam ko rin naman kung gaano niya kagusto si Phoebe noon kaya hindi na talaga malabong paniwalaan niya ito higit kanino man.
"Sorry, Dan. Tama si Nicolo at M. Masyado akong naging judgmental. Hindi ko man lang inalam ang buong kwento. Isang side lang ang pinakinggan at pinaniwalaan ko. Naging masama pa nga ang trato at pakikitungo ko sayo dahil lang pala sa isang kasinungalingan. Kung anu-ano pa ngang mga masasakit na salita ang nasabi ko sayo . . . "
Sa pagkakataong ito ay diretso nang nakatingin sa mga mata ko si Rem. Nangungusap ang mga mata nito habang sinasabi 'yon. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting pagkailang at kaba dahil ramdam ko na naman ang paghaharumentado ng puso ko.
"Rem, hindi mo naman kailangang mag-sorry eh. Wala naman na sakin 'yon." Sambit ko bago pa ako tuluyang makapag-isip na naman ng kung anu-ano dahil pakiramdam ko'y hindi ko na kakayanin kapag nagtagal pa nga ang pagtititigan naming dalawa.
Bahagyang kumunot ang noo nito. "H-Hindi ka ba galit sakin dahil dun sa mga nasabi ko sayo ng gabing 'yon?"
Natigilan ako sa tanong niya. Kung ganoon ay akala din pala niya na galit ako sa kanya? Akala ko ay siya itong galit sakin eh. Tsaka isa pa, siya yung mas may karapatang magalit samin nung mga oras na yun dahil nga sa nagawa ko.
Napapikit ako ng mariin at hinimas ang batok ko. Kung tutuusin, ako nga dapat itong nagso-sorry ngayon sa kanya at hindi siya.
"Rem, hindi ako galit. Kung iniisip mo na kaya ako hindi nagpakita at bumalik dito sa dorm dahil sa mga sinabi mo ng gabing 'yon ay nagkakamali ka. Ang totoo kasi niyan . . . "
Tumaas ang isang kilay ni Rem habang inaabangan ang sasabihin ko. Maya-maya pa'y tila naintindihan na rin nito ang gusto kong iparating dahil bigla na lamang itong namula at napaiwas ng tingin sakin.
"Ako dapat yung nagso-sorry sayo. Hindi ko sinasadya yung nagawa--- "
"No need to explain." Pagputol nito sa mga sasabihin ko pa.
"L-Lasing ka lang nun kaya naiintindihan ko. Let's just not make a fuss about it. Alam kong gusto mo ring kalimutan ang pangyayaring 'yon. Let's just pretend that it never happened."
Tuloy-tuloy na sabi nito habang ako naman ay nakatulala lang sa kanya. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero mas pinili kong itikom na lamang ang bibig ko. Sa nakikita ko kasi ngayon ay mukhang ayaw talaga ni Rem na mapag-usapan pa namin ang ginawa ko sa kanya ng gabing 'yon.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...