Ready to gamble
Rem's POV
Bahagya pa ring nanginginig ang mga kamay ko. Kanina ko pang pilit na pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko talaga maiwasang kabahan at makaramdam ng matinding nerbiyos.
"Rem,"
Nginitian ako ni Rae. Umupo ito sa tabi ko at iniabot sakin ang isang bottled milk drink.
"Chill! Masyado kang nate-tense eh." Aniya bago binuksan ang milk drink niya at sinimulang inumin 'yon. Binuksan ko na rin yung iniabot niya sakin. "Thanks, Rae."
"Always welcome. Basta tandaan mo lang yung mga bilin ko sayo, 'kay?" Tumango ako. Hindi ko na alam kung papaano ko pang pasasalamatan si Rachelle sa lahat ng naitulong niya sakin. Gusto ko na nga lang sana siyang yayain ng lunch o di kaya'y dinner sa labas, pero alam kong may iinit na naman ang ulo pag nagkataon.
"Oh, mukhang magsisimula na ang program."
Nag-angat ako ng tingin sa stage kung saan ay nakapwesto na ang dalawang emcee na na-assign para sa program. Mas dumoble yata ang kaba ko nang magsimula na sila sa opening remarks para sa opisyal na pagbubukas ng programa.
"Uhm Rae, CR lang muna ako saglit." Paalam ko sa katabi ko na halatang nabigla sa pagtayo ko.
"Oh-kay? Pero balik ka agad ha? Una kang magp-present, remember? Baka matagalan ka."
"Yeah, I'll be back asap."
May pagmamadali sa kilos ko na lumabas ng UCC. Hindi naman talaga ako pupunta sa CR. Gusto ko lang talagang pansamantalang lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. Pakiram ko ay masu-suffocate ako sa loob. Idagdag pa nga ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
Nagdadalawang-isip na ko kung magagawa ko ba talaga 'to ng maayos. Paano kung pumalpak ako? Paano kung mapahiya ako? Iniisip ko pa lang ang mga pupuwedeng mangyari ay pinanghihinaan na ko ng loob.
Napasandal ako sa puno ng mangga na malapit sa kinatatayuan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang utak ko na magpahinga muna sa mga negatibong bagay na kanina pang gumugulo sa isipan ko.
Nasa ganoong posisyon ako nang bigla ko na lang marinig ang pangalan ko na desperadong tinatawag ng kung sino.
"REM!"
Napaayos ako ng tayo. Sumalubong sakin ang tumatakbong si Nicolo. Nakasuot na ito ng costume nila para sa dance competition mamaya pero nagmukha siyang haggard at pagod na pagod dahil sa ginawang pagtakbo.
"Nic? Bakit? Hindi pa ba kayo naghahanda para sa contest mamaya?" Tanong ko sa kanya nang lapitan niya ko.
Pagod na inakbayan ako nito. Bahagya pa nga siyang yumuko para habulin ang kanyang hininga bago niya tuluyang sabihin ang pakay niya.
"S-Si Dan! Hindi na daw siya manonood ng program!"
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Hindi makapaniwala ang tingin na ipinukol ko kay Nicolo. Bakit naman hindi? Anong nangyari at biglaan naman yata? Nakagat ko ang ibabang labi ko habang pilit na iniisip at inaalala ng utak ko kung may nasabi o nagawa ba kong mali na maaaring ikinagalit ni Dan.
Pero kahit anong piga ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng dahilan. Maayos pa naman ang naging huli naming pag-uusap kanina.
"Hindi pwedeng hindi siya manood. Pano na yung plano?!"
Napahawak si Nicolo sa kanyang sentido na animo'y nababahala na rin sa mga nangyayari. "Yun na nga eh. Hindi talaga pwedeng wala siya rito mamaya. Ano ba kasing ginawa mo? Mukhang badtrip kanina nung makasalubong ko eh."
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...