Chapter 16

406 22 2
                                    

Remembrance

Nicolo Castro tagged you in his post.

Nicolo Castro
Just Now.

Look who's hanging with us, now!

Tipid akong napangiti habang isa-isang tinitignan ang mga kuha namin kanina sa Sky Blue Cafe. Karamihan pa nga sa pictures na pinost ni Nico ay blur dahil masyado silang magulo ni M kanina. Well, ano pa nga bang aasahan ko?

Maya-maya pa'y ang mga comment naman ang pinagkaabalahan kong basahin. Medyo nabigla pa nga ko nang mapansing marami-rami rin ang mga nagsipag-comment sa post ni Nicolo.

Ronald Acosta
May himala!

Denzel Salvaña
Aww bati na sila. Wala na kaming bugbugan na aabangan every week, featuring Dan and Rem.

Warren Salgado
Hoy @Reminiscence Montecalvo, kelan pa kayo naging magkaibigan ni Dan?

Pretty Jonah
SAMAHAN NG MGA BAKLAAA!

Julian Fuego
Wala bang credits diyan? And oh by the way, are you craving for a premium taste of chocolate cake? Come and grab a slice of our Belgian Chocolate Cake, made with 100% Belgian Chocolate! What are you waiting for? Visit Sky Blue Cafe now!

Dan Calingasan
Iba ka rin, Kuya @Julian! Dito ka pa talaga nag-marketing ha. Anyway, pass ako sa chocolate. Ayoko na ng chocolate ngayon.

Natigilan ako nang mabasa ko ang comment ni Dan. Hindi naman sa nag-a-assume ako o ano, pero kaya niya ba nasabing ayaw niya na sa chocolate eh dahil dun sa nalaman niya na may allergy ako dito?

Hindi ko alam pero may kung anong saya ang naihatid sakin ng isiping 'yon. Wala sa sariling nai-like ko tuloy yung comment ni Dan na agad ko rin namang in-unlike.

Anak ng tokwa naman talaga. Bakit ba ang bilis mawala ng focus ko pagdating sa kumag na 'yon?

Naiiling na ipinagpatuloy ko na lamang ang pags-scroll sa mga comment.

Aliyah Fernandez
Omg! My ship is sailing! #DanRemFTW

HARUKI MATSUMOTO
@Aliyah Fernandez, Fujoshi spotted! Same feels, ghorl. Kinikilig talaga ako sa kanilang dalawa. They got this love-hate relationship na madalas kong ma-witness sa mga yaoi na binabasa ko.

Kamuntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang mabasa ko ang dalawang comment na yun sa post ni Nicolo. What the hell?! Sinong may sira sa ulo ang maiisipang i-ship ako kay Dan?!

Muli kong binalikan yung comment at akmang magre-react na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok na nga si Dan na may dala-dalang maliit na paper bag.

"Uhm, nagulat ba kita?" Tanong nito.

Umiling naman ako habang sinusubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Halata ba sa mukha ko na nabigla ako sa pagpasok niya? Paano naman kasi, kakabasa ko pa lang nung comment about sa mga nagshi-ship samin tapos siya ring pagsulpot niya. Sino ba namang hindi mabibigla at kakabahan pag ganoon 'di ba?

"Rem--- "

"Ha?!"

Kunot ang noong tinignan ako ni Dan. Napalakas pa nga yata ang pagkakasabi ko ng 'ha'. Aish, ano ba naman 'yan? Bwisit na comment kasi yun eh. Mas lalo lang tuloy akong nawala sa focus lalo na ngayon na nandito na si Dan.

"Ayos ka lang ba? Mukha kang nininerbyos na ano ah." Puna nito at umaksyong lalapit sakin kaya dali-dali akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama at tinanguan lang siya.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon