Chapter 30

302 13 0
                                    

Burning Flame

Rem's POV

Hindi ako makakain ng maayos. Sa bawat pagsubo ko'y hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagkailang. Paanong hindi ako maiilang? Wala na yatang ibang ginawa itong kasama ko kundi ang titigan ako habang kumakain at maya't maya pa nga siyang napapangiti.

"Mukha kang timang."

Naisatinig ko na lang dahil mukhang wala na talaga itong plano na alisin ang tingin niya sa akin.

Mahina siyang natawa at naiiling na napainom sa juice na hawak niya. "Bakit ba? Ang cute mong kumain eh." Katwiran pa nito.

"Tsk. Cute daw. Kumain ka na lang din kaya diyan. Di mo na halos nagalaw 'yang pagkain mo oh."

"Mamaya na. Ikaw na muna mauna." Sumimangot ako at ibinaba ang hawak kong kutsara't tinidor.

"Nagsabay pa tayong mag-lunch kung pauunahin mo lang din pala akong kumain." Reklamo ko. Napanguso siya at iniabot ang isang kamay ko tsaka iyon marahang pinisil-pisil.

"Sorry na. Kasalanan ko bang nabusog na ko agad sa pagtitig ko pa lang sayo?"

"Corny mo."

"HAHAHAHAHA"

Napairap na lang ako sa ere bago ko binawi sa kanya ang kamay ko at mahina siyang hinampas sa braso. Ininguso ko ang ibang mga kumakain sa paligid namin. "Ang ingay mo. Pinagtitinginan na tayo oh."

Inilibot niya na rin ang tingin sa paligid pero nagkibit-balikat lamang ito.

"Hayaan mo sila. Hindi naman nila tayo kilala eh." Hindi na lang ako nakipagtalo pa. Napailing-iling na lang ako at itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Bahala na nga siya diyan. Choice niya namang wag kumain.

"Rem, sandali!"

Kunot-noong napaangat ako ng tingin sa kanya. What is it, this time?

I was a bit stunned for what he did next. Maingat nitong idinampi ang hawak niyang tissue sa gilid ng mga labi ko. Napatitig ako sa kanya dahil sa ginawa nito at ganun din siya sakin. Bigla siyang ngumisi bago nagsalita.

"Ang kalat kalat mo talagang kumain. Para kang baby...

... baby ko."

Doon na ko natauhan. Napakurap-kurap ako at ako na mismo ang pumigil sa kanya na ituloy ang pagpupunas sa bibig ko. Kailangan ba talaga, maya't maya siyang bumabanat?

"Hinay-hinay lang sa mga banat. Baka langgamin na rin pati yung ibang mga kumakain dito." Naiiling kong sabi. Tinawanan lang ako ni Dan at kinindatan. Ibang klase talaga. Wala talagang pinipiling lugar at oras ang isang 'to para sa kaharutan niya.

Parehong vacant na kami ni Dan pagkatapos ng lunch break namin kaya hindi na rin ako tumanggi nang alukin ako nito na gumala na muna sa pinakamalapit na park sa University.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa malawak na bermuda grass ng parke habang kumakain ng ice cream. Napakaganda ng panahon ngayon kung tutuusin. Hindi masyadong maaraw kaya hindi masakit sa balat ang init. Medyo mahangin din kaya kapansin-pansin ang ilang mga batang nandirito ngayon sa park at nagkakatuwaang magpalipad ng saranggola.

"Para ka talagang bata kumain, ano?"

Kumunot ang noo ko nang biglang sabihin iyon ng katabi ko. Kanina pa pala niyang naubos yung ice cream niya at ngayon nga'y abala na lang sa pagmamasid sakin. Kaya naman pala ang bilis nalusaw nitong ice cream ko. Kung makatitig naman kasi itong si Dan, wagas!

"May dumi na naman ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi para ipaharap sa kanya.

"Wala akong tissue dito. Pwedeng yung bibig ko na lang ang gamitin kong panlinis?"

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon