Shared post
Rem’s POV
ISANG LINGGO.
Isang linggo na kong walang ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto ko at matulog. Ni wala akong matinong kain sa loob ng isang linggong ‘yon.
Wala naman akong problema pagdating sa studies ko, dahil ini-suggest ko sa kanila mom at dad na magho-home schooling muna ako for the meantime.
Twice a week lang din naman bumibisita dito samin yung prof na hinire nila mommy para maghatid ng modules na kailangan ko para makahabol pa rin ako sa mga lesson na na-miss ko.
Bahagya akong nag-inat at bumangon sa kama. Lumapit ako sa bintana at saglit na pinagmasdan ang asul na asul na langit. Ang gandang tingnan ng mga ulap ngayon dahil nagkumpol kumpol sila na parang mga bulak.
Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pagmamasid sa langit nang kumatok si manang mula sa labas. Oras na pala ng almusal.
Hindi ako lumalabas ng kwarto ko, maliban na lang kung nandyan na yung prof na magtuturo sakin kaya naman madalas ay hinahatiran na lang nila ako ng pagkain dito sa kwarto ko. Pagkain na di ko rin naman nauubos at minsan pa nga’y hindi ko talaga nagagalaw.
“Good morning, Rem. Eto nang agahan mo.”
Nakangiting bungad sakin ni manang habang bitbit ang tray na naglalaman ng almusal ko.
“Salamat po.”
Maikling tugon ko tsaka inabot yung tray at inilipat sa mesang malapit sa kama ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni manang ay agad na natuon ang atensyon ko sa mga pagkaing nasa tray. Hindi ko maiwasang magtaka sa almusal ko para ngayong araw. Dalawang pirasong hotdog at isang cup ng sinangag.
Puro heavy meals ang madalas nilang ihanda sakin nitong mga nagdaang araw ah.
Napabuntong hininga ako. Bigla ko tuloy naalala si Dan. Hindi nga ba’t ito rin ang madalas niyang ihanda sakin tuwing agahan?
Mapait akong napangiti. Pati ba naman sa mga maliliit na bagay gaya nito, siya pa rin ang naaalala ko?
Hindi ko alam kung nakatulong ba na si Dan ang naalala ko sa almsal na ihinanda nila sakin. Basta ang alam ko lang, ganado kong inubos ang hinatid ni manang na pagkain. Pakiramdam ko nga, sa isang linggong ipinirmi ko, ito yata ang unang beses na naubos ko ang pagkain na dala nila.
Tuwang-tuwa tuloy si manang nang bumalik siya para kunin ang mga pinagkainan ko.
Pagkatapos nun ay lumipas na ulit ang mga oras na wala akong ibang ginawa kundi ang matulog. Nagising na lang ako nung magdadapit hapon na. Daig ko pa ngang baboy sa sitwasyon ko ngayon. Bumabangon lang yata ako para pumunta sa CR at kumain.
Sumagi rin tuloy bigla sa isipan ko yung suggestion ni M na magpa-therapy kuno ako kasi baka dala raw ‘to ng trauma nung nangyari.
Tumanggi ako sa suggestion niyang ‘yon. Bukod sa wala akong ganang magkikilos, mentally stable pa naman ako, sa tingin ko. I just need some alone time for myself, that’s all.
Baka nga next week ay maisipan ko na ring pumasok sa University. Nakapag-isip isip na rin kasi ako. I cannot run away from all of these forever. Wala akong ibang choice kundi ang harapin ang mga problema ko.
Out of nowhere, I suddenly remembered my phone. Isang linggo na nga rin pala akong literal na walang balita sa paligid ko dahil nakapatay ang phone ko. Ngayon ko lang naalala at nagdadalawang-isip pa ko kung io-open ko pa ba ‘to.
I mean, for what purpose? Panigurado namang sabog ang notif ko sa mga social media account na meron ako dahil dun sa picture na kumalat sa buong campus.
I don’t wanna check on them, but I still find myself, holding my phone, minutes later.
I sighed and shut my eyes closed for a while.
Okay, Rem... this is it.
Kasabay ng pagdilat ko ay ang tuluyang pagkabuhay ng phone ko. Tulad ng inaasahan, sandamakmak na chats, missed calls, texts at kung anu-ano pang notifications ang dumating, pagka-open na pagka-open ko.
I disregard all of those other notifications and focus on that one single message from him. He sent it on the same day we broke up.
Napalunok ako. Gusto ko itong buksan at basahin, pero natatakot ako sa pwede kong mabasa. Natatakot akong pagsisihan ang desisyon na ginawa ko, dahil lang sa hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa rin sakin kung gaano ko siya kamahal.
Sa huli, hindi ko rin ito nabuksan.
Sinubukan ko na lang na mag-facebook para sana pansamantalang alisin ang mga agam-agam sa isipan ko, pero hindi ko naman inaasahang puro shared posts niya agad ang bubungad sa news feed ko.
“Even if we fade eventually to nothing, you will always be my favorite form of loving.”
Pagbasa ko sa unang shared post niya na bumungad sakin. It was a quoted lyrics from a song.
Sunod naman niyang share ay picture ng isang lalakeng mag-isa habang nakatingin sa buwan. Ang caption niya ay isang simpleng smiley emoji. Yung mukhang pilit na nakangiti na emoji, to be exact.
Marami pa siyang shared post at halos lahat ng ‘yon ay malulungkot at depressing. The thing is, sa kabila nung issue na kumalat sa buong campus, napansin kong napakarami pa rin ang nagco-comment sa mga post ni Dan. Mostly, girls of course. Lahat sila ay kanya-kanyang send ng encouragement para sa kanya pero wala naman siyang ni-reply-an maskin isa sa mga ‘to.
May nag-comment pa nga na hindi naman daw sila naniniwala sa pictures na kumalat. Mukha dawng edited at hindi rin naman daw nila kayang ma-imagine na papatol sa kapareho niya ng kasarian si Dan.
Ilang segundo akong napatitig sa comment na ‘yon.
May kung anong kumurot sa puso ko sa sinabi nung nag-comment. Right... hindi talaga kapani-paniwala.
Nang maramdaman kong umiinit na naman ang sulok ng mga mata ko, ini-scroll ko na agad ang feed para lampasan yung mga post ni Dan. Hindi na kasi talaga dapat ako nag-open ng phone eh.
Ilang scroll pa siguro ang nagawa ko bago ako nagpasyang mag-out na. Pero bago pa man ako tuluyang mag log out, nag-share din ako ng isang post. Linya rin mula sa kanta.
“I’m scared to get close, I hate being alone. I long for that feeling to not feel at all.”
#
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...