Chapter 19

365 20 10
                                    

Along the process

Napabalikwas agad ako ng bangon nang marinig ko ang marahang pagbukas ng pinto. Sumalubong sakin ang bahagyang nagulat na si Dan. Marahil ay nagtataka ito kung bakit heto at gising na gising pa rin ako kahit dis oras na ng gabi.

"G-Gising ka pa pala?"

Tanong nito bago tuluyang pumasok sa silid at kampanteng hinubad ang suot niyang T-shirt sa harapan ko.

He really loves stripping in front of me, huh?

Napailing-iling na lang ako sa naisip. Hindi ko siya sinagot. Tahimik ko lang siyang pinanood na ngayon ay abala na nga sa pagsusuot ng kinuha niyang sando mula sa cabinet.

Napatikhim ako at maya-maya pa nga'y hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na magtanong.

"Bakit ngayon ka lang?"

Saglit na natigilan si Dan matapos ko iyong itanong. Nakangiting lumingon ito sa gawi ko dahilan para kunutan siya ng noo.

"Why the hell are you smiling like an idiot? Nagtatanong lang naman ako."

Inis kong singhal dahil hindi ko gusto ang paraan ng pagngiti nito. Idagdag pa ang katotohanang nadi-distract ako sa malalim niyang dimple sa tuwing ngumingiti siya ng ganyan.

"Masama na bang ngumiti ngayon? Natutuwa lang talaga ako sa paraan mo ng pagtatanong. You sounded like a worried wif--- "

"Don't you dare finish what you're going to say, Calingasan." Madiin kong sambit nang makuha ko agad kung anong gusto nitong sabihin.

As usual, imbes na matakot ang gago ay isang halakhak lamang ang nakuha kong reaksyon mula dito.

A sexy chuckle, to be exact.

Wait, what?!

Nanghihinang napatayo ako at dumiretso na nga lang sa may lababo para kumuha ng isang basong tubig. I need to maintain my composure, no matter what. I need to act normal around Dan. Ayokong isipin niya na naaapektuhan ako sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi niya sa tuwing kasama ko siya. Ayoko siyang bigyan ng kahit na anong motibo at ni katiting na pag-asa.

I don't feel that way towards him. At kung sakali mang isang malaking prank lang ang ginawa niyang pag-amin sakin ay wala na rin akong pakialam pa do'n.

"Hey . . . "

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Dan na mukhang kanina pa palang nasa likuran ko. Ni hindi ko na nga namalayan ang paglapit nito sakin.

Nagkunwari na lang akong naghuhugas ng kamay bago ako dahan-dahang lumingon paharap sa kanya.

"Ano na naman?"

That's right, Rem. Ipakita mo sa kanya na ikaw pa rin yung dating Rem na mahilig magsungit. Don't let your guard down.

"Hmm wala lang. I just missed you."

Buti na lang talaga at tapos na kong uminom ng tubig. Kung sinabi niya 'to habang umiinom ako kanina ay baka nalulon ko na pati ang buong baso.

Nang makabawi na ko sa pagkakabigla sa sinabi nito ay tsaka pa ko nagkaroon ng lakas na sumagot at magsalita.

"Baliw ka na talaga. Tabi nga diyan!"

Lalagpasan ko na sana si Dan pero bigla na naman nitong hinarangan ang daraanan ko. Napapikit ako ng mariin habang pinapakalma ang sarili ko. No, not again. Don't tell me, magkakaroon ng part two ang pagkaka-corner ko dito sa may lababo?

"Dan, padaanin mo ko."

"No."

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Kapag ako talaga eh hindi nakapagtimpi, susuntukin ko na talaga siya. Wala akong pake kahit na hindi na kami totally magkaaway gaya noon.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon