Sooth
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Maya't maya ang pagsulyap ko dito para i-check kung anong oras na.
Napabuntong hininga na lang ako ulit nang mapansing malapit nang mag alas diyes ng gabi. Bumalik ako dito sa dorm na walang katao-tao. Wala ring ni isang senyales na bumalik dito si Dan kanina para mag-lunch.
Matapos kong ikwento ang totoong nangyari noon kay M ay hindi pa rin ito naniwala sakin. Inaasahan ko naman na din 'yon. Sabi ko nga sa inyo, mas may loyalty pa si Memory kay Dan kesa sakin na kapatid at kadugo niya. Bago pa nga kami maghiwalay kanina ay ipinangako pa nito sakin na hahanap siya ng ebidensya para mapatunayan niyang inosente at walang kasalanan si Dan. Galing, 'di ba? Pwede nang maging future attorney.
Pero aaminin kong, medyo wala na rin naman na talaga sakin yung nangyari noon. Ewan ko ba. Pakiramdam ko rin kasi ay mabilis lang naman akong naka-move on sa kung ano man ang meron kami ni Phoebe noon. Baka nga rin puppy love lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya ng mga panahon na 'yon. Sadyang iba lang talaga ang naging epekto sakin nung mga nalaman ko't sinabi ni Phoebe bago siya umalis. Lalo na nga sa pakikitungo ko kay Dan.
Ilang beses akong nagplano na komprontahin at sugurin siya noon, pero si Phoebe mismo ang nagmakaawa sakin na wag na lang daw dahil ayaw niyang mas lumaki pa ang gulo at umabot na nga sa pamilya niya ang tungkol sa isyung iyon.
Napahilot ako sa sentido ko ng wala sa oras. Hindi ko na rin talaga alam kung anong papaniwalaan ko. Sa katunayan din kasi niyan, unti-unti ko nang nakakalimutan ang patungkol sa bagay na 'yon. May parte sakin ang gustong maniwala sa kanila M at Nicolo na may kabutihan din naman kahit papaano si Dan. Pero may mga pagkakataon din na bigla-bigla na lang nagf-flashback sa utak ko ang mga sinabi ni Phoebe noon at ang katotohanang maraming babae na nga rin ang dumaan sa buhay ni Dan.
Nahinto ako sa malalim na pag-iisip nang umalingawngaw sa buong silid ang ringtone ko. Dali-dali ko namang dinampot ang phone ko na nasa tabi at sinagot ang tawag nang di na nag-aabalang tignan kung sino ba 'yon.
"Hell---"
"Rem, si Nico 'to."
Kumunot ang noo ko at napaayos ng upo. Si Nicolo? Paanong nakuha nito ang number ko? Tatanungin ko pa lang sana siya pero naunahan na naman ako nito sa pagsasalita.
"Nakuha ko number mo kay Dan kung itatanong mo 'yan. Anyway, itatanong ko lang sana kung nakabalik na ba sa dorm niyo si Dan? Umalis lang kasi ako saglit kanina ng boarding house para sana bumili ng pagkain pero pagbalik ko eh wala na si Dan dito. Nakainom yun at wala pang kain kaya medyo nag-aalala na rin ako. Di ko rin kasi ma-contact eh. Nakapatay ata phone niya."
Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan sa ibinalita ni Nicolo. Hindi agad ako nakapagsalita.
"Rem? Rem, nandyan ka pa ba?"
"H-Ha? Ah oo, andito pa."
"So yun na nga, itatanong ko sana kung nandyan na ba si Dan?"
"Wala pa siya dito."
"Ano?!" Bahagya kong nailayo ang phone sa tenga ko nang biglang sumigaw si Nico sa kabilang linya.
"Putek. Nasa'n na kaya yun ngayon?! Matindi na amats nun eh!"
Pakiramdam ko'y mas dumoble ang kaba sa dibdib ko sa sinabi nito. Hindi ako mapakali at kusang kumilos ang katawan ko para tumayo at maghanap ng masusuot na hoodie. Nagdala na nga rin ako ng extra para kay Dan. Gabi na at sobrang malamig na ngayon sa labas.
"Susubukan kong lumabas ng dorm ngayon. Baka pauwi na rin 'yon. Sasalubungin ko na lang siguro." Pagpapaalam ko kay Nico. Ilang mura pa nga ang pinakawalan nito mula sa kabilang linya. Nakainom na nga rin pala kasi 'tong kausap ko at marahil ay sobrang nag-aalala na nga rin ito para kay Dan.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...