Love Shot
Rem's POV
. . . gusto na kita."
Parang bombang sumabog sa tenga ko ang mga salitang binitawan ni Dan. Hindi ako nakapag-react o nakakilos man lang matapos nitong sabihin ang mga salitang 'yon.
Kanina pa lang nung kumakanta siya, malakas na ang kutob ko na hindi matatapos ang gabing ito nang mapayapa.
At mukhang tama nga ako. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayon si Dan at inamin niya talagang may gusto siya sakin.
Paano? Kelan? Hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ang dami ko pang katanungan na hindi nasasagot. Masyado akong nabibilisan sa mga pangyayari.
"R-Rem, alam kong nabigla kita. Pero sana, wag mong isipin na pinagti-trip-an lang kita o ano. Willing naman akong patunayan sayo na totoo 'tong nararamdaman ko eh. Bigyan mo lang ako ng chance na ipakita sayo."
Pagsusumamo ni Dan na hawak pa rin pala ang kamay ko. Hindi ako nakatugon. Nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatingin sa kanya.
Hindi tama 'to. Lahat ng ito ay mali. Hindi pwedeng hayaan ko na lang si Dan na ipagpatuloy niya ang kahibangang 'to. Paano kung nalilito lang siya sa nararamdaman niya? Paano kung mali lang siya ng intindi sa lahat ng 'to?
Aaaaargh. Pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Bakit ba kasi kailangan pang umabot sa ganito?
Parang noong isang araw lang, magkaaway pa kami. Nagkasundo at nagdesisyon na maging magkaibigan, tapos ngayon eh bigla na lang siyang aamin sakin na gusto niya ko? Hindi ko alam pero sadyang hindi lang talaga nagtutugma ang mga pangyayari. Hindi ito si Dan. Hindi ito ang Dan na nakilala at kinamuhian ko noon.
At mas lalong hindi pwede na magustuhan niya ko o ano pa man. Maling-mali lahat ng 'to.
Napapikit ako ng mariin at kasabay noon ay ang pagbawi ko sa kamay kong hawak ni Dan. Pagdilat ko ay agad na sumalubong sakin ang nalulungkot na mukha nito. Puta, gusto niya ba talaga ako?
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at sa abot ng aking makakaya ay nagawa ko na ring makapagsalita.
"Iisipin ko na lang na walang nangyari na kahit ano ngayong gabi. May pagkakataon ka pa para pag-isipan ng mabuti ang mga sinabi mo, ngayun-ngayon lang. May oras ka pa para bawiin lahat ng 'yon. Matutulog na ko."
Dire-diretso kong sabi at agad na nga siyang tinalikuran. Walang imik na tinungo ko na agad ang kama ko at padapang nahiga rito.
You did the right thing, Rem. Kung totoo mang may kung anong nararamdaman nga talaga si Dan para sakin, mas mabuting ngayon pa lang ay matuldukan na ito.
Dahil wala ring patutunguhan kung palalalimin pa niya ang nararamdaman niya. Bukod sa mali dahil pareho kaming lalake, wala rin akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Bago ko pa nga lang siya natanggap bilang kaibigan eh. Hindi ko siya gusto at hinding-hindi ko rin siya magugustuhan gaya ng pagkakagusto niya sakin kung totoo man ang mga inamin niya.
Hindi ako bakla. Straight ako at sa babae lang ako nagkakagusto.
***
Pupungas-pungas akong bumangon nang sunod-sunod na mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Kanina pa bang nagising si Dan? Masyadong tahimik kaya malamang na wala nga siya dito.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang naglalakad papalapit sa lamesa. Sumalubong sakin ang dalawang styrofoam at dalawang cup ng mainit-init pang kape. Napadako ang tingin ko sa sticky note na nakadikit sa cup ng kape.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...