Game Over
Rem’s POV
PABAGSAK akong sumubsob sa lapag matapos kong salubungin ang suntok ni dad. Napahiyaw si mommy at umakmang lalapitan ako pero pinigilan siya ni dad.
“Wag na wag kang makikialam dito, Golduline. Dapat lang ‘yan sa anak mong kahihiyan lang ang dala sa ‘tin!”
Agad na nag-init ang sulok ng mga mata ko. I knew this day would come. I am already expecting the worst case scenario ever, but hearing those words from my own dad even though I’ve already expected it, hurts like hell.
Masakit na isang kahihiyan na lang ang tingin niya sakin ngayon dahil lang sa nagmahal ako ng kapwa ko lalake. Sobrang sakit na sa tingin ko’y kahit bugbugin niya pa ko ngayon, hindi na nito matutumbasan ang sakit na dulot ng mga salitang binitawan niya.
“Have you gone mad, Reminiscence?! Anong pumasok sa kukote mo at nagawa mo ‘to, ha?!”
Hindi ko rin alam, dad. Maskin ako, walang ideya. Kung naging babae ba ako, mas magiging madali ang lahat?
Siguro nga, oo.
Kung sana hindi na lang kami parehong lalake ni Dan... baka mas maayos ang sitwasyon namin ngayon.
Hindi yung ganito. Sobrang gulo. Nakakalito.
“S-Sorry, dad. But I do love h—”
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Nauna na kasing tumama sa mukha ko ang isa pang suntok mula sa sarili kong ama na nagpupuyos na sa galit ngayon.
“Honey! Please, kumalma ka naman. Malamang may rason si Rem. Please hear him out. Anak pa rin natin ‘yang sinasaktan mo!”
Parang dinurog ang puso ko nang makita ko si mom na umiiyak habang sinusubukan nitong pakalmahin si dad.
What have I done?
Kasalanan ko ba talaga ang lahat ng ‘to? Kung nung una pa lang, iniwasan ko na si Dan... mangyayari bang umabot pa kami sa ganito?
But... I did enjoy his company after all.
Yung mga panahong ginugol ko kasama si Dan, yun din yung mga panahong masasabi kong pinakamasaya ako. It feels like I am always floating in the air when I’m with him. Everything feels light. But now, everything’s falling apart.
And I don’t know anymore what to do.
“Mom! Dad!”
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Memory. Umuwi siya? Paano niyang nalaman na umuwi ako dito samin?
“M... what are you doing here? You should be in the university right now.” Seryosong sabi ni dad. Ang galit sa boses nito ay hindi pa rin nawawala.
“It doesn’t matter anymore! May kung sinong nag-send ng picture ni kuya sa lahat ng mga estudyante sa buong campus. We should sue them and—!”
“W-What did you say, M...?”
Mabilis akong napatayo mula sa pagkakasalampak ko sa lapag. Ang mga mata ko’y nagtatanong sa kapatid kong kararating lang.
Anong sinasabi niyang sa lahat ng estudyante?
“Wait... y-you mean, you didn’t come home because you knew that everyone in the campus already saw that picture?” Tanong nito pabalik.
Biglang nangatog ang mga tuhod ko sa narinig. No way. It can’t be!
“Y-You’re kidding, right?” Akala ko ay sa akin at sa kanila mom at dad lang isinend iyong picture!
“No, I’m not. Totoo, kuya.”
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...