Chocolate Shake
"I'm stuck in this fuckin' rut, waiting on a secondhand pick me up and I'm oveeeeer . . . getting oldeeer!"
Feel na feel ko ang pagsabay sa kantang Weightless ng All Time Low habang naglalakad sa kahabaan ng hallway. Sa isang kamay ay hawak ko ang paborito kong chocolate shake. Maganda ang gising ko kaninang umaga. Tumawag sakin kanina si Tita Lalaine. Yung tita kong nasa abroad na maagang nabyuda. Walang anak at dahil mas close siya kay papa, ako ang naging paborito nitong pamangkin at tinuring na rin na sarili niyang anak.
Padadalhan daw ako nito ng extra allowance sa makalawa. Sino ba namang hindi gaganda ang araw kung alam mong may blessing na paparating, di ba?
Pero iyon ang akala ko. Akala ko matatapos ko ang buong araw na 'to ng may ngiti sa mga labi.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang iniinom ang malapit nang maubos na chocolate shake ko. Malapit na ring matapos ang kantang pinapakinggan ko nang walang anu-ano'y may biglang bumangga sakin.
"Anak ng---!"
Hindi malinaw sakin kung sino ang unang bumangga. Basta ang sunod ko na lang na namalayan ay sobrang sama na ng tingin sakin ni Rem. Sa isang kamay ay hawak nito ang mga papel na mukhang research paper pa nga ata.
Ang matindi lang dito, yung papel na hawak niya . . . basang-basa na at punong-puno na ng chocolate shake ngayon. Napalunok ako at napatingin sa cup na hawak ko. Nasaid na ang chocolate shake na laman nito. Sayang naman. Kulang pa nga sakin 'to eh.
"Ginagago mo ba talaga ako, Dan?!" Tuluyan ko nang nabitawan ang cup na hawak ko nang bigla akong kwelyuhan ni Rem.
"W-Woah, woah. Easy, Rem. Hindi ko sinasadya, okay? Tsaka pareho lang tayong hindi tumitingin sa dinaraanan natin. Kung nakatingin ka, sa tingin mo ba eh babangga ka sakin?" Umigting ang panga ng kaharap ko. Iniangat nito ang kamay na may hawak nung mga papel na siyang umubos ng chocolate shake ko.
"Alam mo ba kung ano 'to? Research paper ko 'to! Research! At ngayon ko na dapat 'to ipapasa!" Nanggigigil na bulyaw nito sa mukha ko. Gamit ang isa kong kamay ay sinubukan kong hawakan ang kamay niyang nakataas at dahan-dahan itong ibinaba.
"Easy lang, man. Tutulungan na lang kita sa research mo. Or di kaya, ipa-print mo na lang ulit. Hehe."
Sa totoo lang, nagtitimpi na lang din ako sa ngayon. Ayoko lang talaga na masira ang magandang araw ko.
"Napakagago mo talaga, eh 'no?!" Hindi na ako nito hinayaang makapagsalita pa ulit. Agad ako nitong binigyan ng isang suntok. Hindi pa ako nakakabawi nang sundan niya ng isa pa. Hanggang sa sunod-sunod na nga ang naging pagsuntok niya. Nakahiga na ko sa sahig at nakadagan siya sakin habang hindi pa rin nakukuntento sa mga suntok na pinakawalan niya sa gwapo kong mukha.
"Ano, tapos ka na ba?" Mapang-asar kong tanong nang sandali siyang tumigil para siguro magpahinga saglit at makabuwelo.
"Pinuputangina mo talaga ako ha? Ba't hindi ka lumaban? Ano? Suntukin mo ko pabalik!" Nginisihan ko lang siya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa naging reaksyon ko.
"Bakit? Pagod na ba ang braso at kamao mo? Hina mo naman---"
"TARANTADO!" Gusto kong matawa nang muli ako nitong suntukin. Napakapikon talaga. Hindi niya lang ako pinaulanan ng mga suntok, pati malulutong na mura ay natanggap ko na mula sa kanya.
At ang lahat ng 'yan . . . ay dahil lang sa paborito kong chocolate shake.
"Seryoso?!"
Nabalik ako sa kasalukuyan nang marahas na ihampas ni Memory ang kamay niya sa lamesa. Dahil sa nilikha nitong ingay ay napatingin na rin tuloy ang ibang mga tao dito sa cafe sa amin.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...