PANAY ang pagsulyap ko sa phone ko para alamin kung anong oras na. Maaga akong dumating dito sa Ellie's kumpara sa napag-usapan naming oras ni Rachelle. Hindi ko na nga alam kung nakailang baso na ba ako ng tubig sa paghihintay.
Dapat talaga ay hindi na lang ako masyadong nagmadali sa pagpunta dito. Hindi naman masyadong halata na excited akong makibalita sa mga pangyayari noong wala ako sa University.
I hate to admit this, but these past few days, all I think about is Dan. At mukhang nananadya pa nga ang tadhana dahil hindi lang isa o dalawang beses ko na siyang kamuntik makasalubong sa daan. Well, I know that it's really inevitable, since we're studying in the same department, pero halos araw-araw na lang kasi.
Ang nakakainis pa nga, madalas ko na lang ding mahuli ang sarili ko na pasikreto siyang sinusundan o di kaya'y tinatanaw kapag may miminsang napapadaan ako sa room nila.
I don't know if he already has an idea that I'm back or not, but it doesn't really matter. As long as hindi tuluyang nagtatagpo ang landas namin, wala akong dapat ikabahala. Sadyang maraming bagay lang talaga akong gustong malaman. Lalo na nga patungkol sa kanya.
"Rem!"
Napaangat ako ng tingin sa kararating lang na si Rachelle. Nakausap ko na siya ahead of time sa kung anong magiging agenda ng pagkikita namin for this day. Siya kasi ang magbibigay sakin ng mga impormasyong kailangan ko.
Pwedeng-pwede ko naman sanang tanungin si M, sa totoo lang. Kaso nga lang, ako mismo ang nagsabi sa kanya before na wag na wag magbabanggit ng kahit ano patungkol kay Dan at mas lalong hindi siya pwedeng magbigay ng kahit na anong update kay Dan sa mga nangyayari sakin.
It would be weird if I would suddenly ask her questions about Dan.
"Sorry, medyo traffic. Kanina ka pa ba dito?"
Bungad na tanong ni Rae nang tuluyan na siyang makaupo sa tapat ko. Umiling naman ako para hindi na siya masyadong makonsensya. Isa pa, hindi naman talaga siya late sa usapan namin. Sadyang maaga lang akong dumating.
"Hindi, kararating ko lang din naman. Uhm order na muna tayo?"
Tumango si Rachelle at saktong paglapit din ng isa sa mga waiter para kunin ang order namin. Nang makaalis na yung waiter para kunin ang order namin ni Rachelle, hindi na ako napakali at agad ko nang ibinato ang tanong ko.
"Rae, I know this is so sudden but I really really wanna know what happened after that... you know, yung issue patungkol samin ni Dan."
Mukhang medyo nabigla pa nga ang kaharap ko na dumiretso na agad ako sa punto ng pagkikita naming 'to.
"Ohh about that. Hmm paano ko ba sisimulan to?"
Napapitik sa ere si Rachelle. Hinawi muna nito ang buhok na humarang sa mukha niya, bago siya muling nagsalita.
"Pagkatapos kumalat nung pictures niyo ni Dan, syempre, kayo agad ang naging hottest topic ng buong campus. Wala akong masyadong nabalitaan kay Dan that time, pero dahil nga naging instant celebrity kayo nun, halos sundan na din ng buong campus ang mga galaw ni Dan. And I've heard that the whole week after sumabog nung pictures, wala raw si Dan sa university. Actually, halos kasabayan mo lang siyang naging MIA."
"Really? Bigla na lang din siyang hindi pumasok?" Tumangu-tango si Rachelle.
Sabagay, ako nga eh nagawa pang magmukmok sa loob ng isang buwan.
"But one week lang 'yon. After that, pumasok na ulit si Dan na parang wala lang nangyari. Syempre, hindi maiiwasan yung mga basher at haters. I've witnessed myself kung papaanong tiniis ni Dan ang mga mapanuring tingin sa kanya ng mga tao at ang pangangantyaw sa kanya ng boys. Himala nga at sa kabila ng lahat, nakuha niya lang maging kalmado. I mean, if I would to put myself in his shoes, baka nabugbog ko na 'yung mga nangangantyaw sakin."
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...