Epilogue

469 11 0
                                    

REM

"Dan, kinakabahan ako."

Humigpit ang pagkakahawak ni Dan sa kamay ko. Tumingala ako sa kanya. Alam kong bakas sa mukha ko ngayon ang kaba at matinding pag-aalala.

"Don't be. Akong bahala. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa lakad natin ngayon," pagpapakalma niya sakin bago ako binigyang ng isang matamis na ngiti.

Bumuntong hininga ako. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko pa rin talaga maalis-alis ang pangambang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ito ang unang beses na haharapin ko ang pamilya ni Dan. Hindi ako pwedeng magkamali sa harapan nila. Hangga't maaari, gusto kong ipakita sa kanila na karapat-dapat ako sa pagmamahal ng nag-iisa nilang anak.

"Babe, pinagpapawisan ka na masyado. Okay ka lang ba talaga? Kasi kung hindi, pwede naman tayong bumalik sa University, anytime. Ayokong pilitin ka kung hindi ka rin naman magiging kumportable."

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. "No, it's okay. I'm okay. Kinakabahan lang talaga ako, pero yun na 'yon."

Bahagyang yumuko si Dan. Pinag-aralan muna nito nang maigi ang mukha ko, pagkatapos ay binigyan ako ng isang mabilis na halik sa noo.

"Sige, pero promise mo sakin na kapag pakiramdam mong hindi ka talaga okay, sasabihin mo agad, ha?" Ngumiti ako sa kanya bilang tugon.  Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat at pinaglaruan ang mga daliri niya. Hindi na ko pwedeng umatras pa. Bilang isang lalake, dapat handa akong harapin ang mga magulang ni Dan. Hindi ito ang tamang oras para maging duwag ako. Para rin naman sa aming dalawa 'to.

Napunta ang isang kamay ni Dan sa ulo ko. Bahagya niyang ginulo-gulo ang buhok ko at aaminin kong kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Sabi niya kanina, malapit-lapit na ang sa kanila kaya hangga't maaari, dapat hindi na ako matulog sa biyahe. Pero dahil na rin mismo sa ginagawa nito ngayon sa buhok ko, unti-unti na kong nakakaramdam ng antok.

***

"Soo, how did it go? I mean, meeting Dan's parents?"

Napabuga ako ng hangin sa ere. Kasalukuyan kong kausap si Memory sa phone. Hindi na lingid sa kaalaman nilang lahat ang plano namin ni Dan na bumisita ngayon sa kanila. Kinailangan ko pa ngang i-off ang phone ko kanina dahil panay ang chat at text sakin ng mga hunghang. Nangungulit kung may basbas na ba daw kaming dalawa ni Dan mula sa side niya.

"Hmm okay lang," tipid kong sagot.

"Ha? Anong okay lang? Pwedeng i-elaborate? Wala naman kasing telepathic ability itong gorgeous sister mo."

Mahina akong natawa sa huling sinabi ni M. Sumandal ako sa bintana at dinama ang hangin na mula sa labas.

"Okay lang as in okay lang. Alam naman na nila ang relasyon namin ni Dan nung mga panahong nagmumukmok pa lang ako sa atin, kaya hindi na namin kinailangan pang ipaliwanag sa kanila mula sa simula ang lahat. Dan's mom was so kind. Masaya niya pa nga kaming sinalubong kanina pagdating namin. Ramdam ko talaga na tanggap niya kung anong meron kami ni Dan ngayon," pagkuwento ko kay M.

"That's great then! How about his dad?"

Sa sunod na tanong na ni M ako natigilan. Biglang sumagi sa isip ko ang labis na takot at sindak na natamo ko sa paghaharap namin ng papa ni Dan.

"Kuya? You still there?"

"H-Ha? Ah oo, nandito pa ko."

"Oh, so what happened na nga? Si tito? Anong sinabi niya sa inyo?"

Napapikit ako nang mariin. Nagdadalawang-isip pa ko kung dapat ko pa bang ikuwento kay M ang mga pangyayari kanina sa pagitan namin ni tito.

"Well, as expected, hindi niya pa rin tanggap na ang unico hijo niya ay may boyfriend na."

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon