Back then
Rem's POV
"Tawagan mo ko mamaya pagtapos ng klase niyo, okay?"
Gulat akong napalingon kay Dan. Kinunutan ko siya ng noo habang hinihintay ko ang irarason niya sa ibinilin niya sakin.
"G-Gusto sana kitang makasabay kumain ng lunch mamaya. Ayos lang naman siguro, 'di ba?" Bahagya itong napahimas sa kanyang batok habang sinasabi 'yon. Pinigilan kong mapangiti sa nakikita kong itsura niya ngayon.
Napakaamo niyang tingnan at para bang hindi makabasag ng pinggan. Kung hindi ko lang talaga alam ang mga kalokohan nito noon, iisipin kong isang napakainosenteng nilalang ni Dan.
"Sasabay naman talaga ako sayo sa lunch mamaya. Manliligaw kita, remember?"
Ibinulong ko na lang yung huling parte ng sinabi ko. Kitang-kita ko kung papaano siyang nabigla at natigilan dahil dun kaya napailing-iling na lang ako at napangiti.
Tinapik ko siya sa balikat bago ko ininguso ang room namin. "Dito na muna ako. Mamaya na lang."
"H-Ha? Ah okay. Sige, mamaya na lang."
Nautal pa nga siya sa pagsagot. Mukhang nabigla ko talaga siya dahil sa sinabi ko kanina. Ngumiti na lang ako sa kanya bago ako tumuloy sa pagpasok sa room namin. Tumaas pa nga ng bahagya ang kilay ko matapos mapansing sakin nakatuon ang tingin ng buong klase.
Binalewala ko na lang ang mga tingin nila. Dumiretso na ko sa upuan ko. Pero pagkaupo na pagkaupo ko pa lamang ay agad na nga akong pinalibutan nila Warren, Aki at Rachelle. Napakurap-kurap ako habang nakahangad sa kanila. Anong problema ng mga 'to?
"Bakit?" Takang-taka kong tanong.
Nagkatinginan silang tatlo bago nila ako hinarap at nginisihan.
"Hehehe ikaw ha, may hindi ka sinasabi samin."
Itinaas-baba ni Aki ang kilay at patudyong sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Tatahi-tahimik lang pala itong si Rem, pero may itinatago." Dagdag naman ni Warren at bahagyang siniko si Rachelle na napatangu-tango pa nga na para bang sumang-ayon sa dalawa. Wait, kelan pa naging close si Rae sa dalawang ugok na 'to?
"Ano bang sinasabi niyo diyan? Pwede bang diretsahin niyo na lang ako?" Muli silang nagkatinginan. Hinawakan ako ni Aki sa isang balikat at sa isa naman ay si Warren ang nakahawak sakin.
Si Rachelle naman ay magkakrus ang mga brasong nakatayo sa harapan ko.
"Come on, Rem! Alam na namin kung sino yung pinapatungkulan mo dun sa performance mo nung Foundation Day!" Bulalas ni Rae na napapalakpak pa nga sa tuwa.
Namilog ang mga mata ko at sunod-sunod din ang aking naging paglunok. Nawala na sa isip ko ang tungkol dito ah. I mean, nung ipangalandakan ko sa buong campus ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Dan, nawala na sa isip ko nun ang mangyayari pagkatapos ng performance ko. Nawala na sa isip ko ang maaaring sasabihin ng ibang tao dahil sa ginawa ko at kung papaano nila itong mai-interpret.
Yumuko si Rachelle papalapit sakin. Inilibot na muna nito ang mga mata sa paligid na para bang tinitingnan kung nakikiusyuso ba ang iba pa naming mga kaklase. Nang makitang nakatingin pa rin samin halos ang buong klase, dumukwang na lang si Rachelle sakin at bumulong.
"It's Dan, right? Yung taong kinukuwento mo sakin nung tinuturuan kitang mag-gitara... si Dan 'yon, 'di ba?"
Sa paglayo ni Rae sakin ay alam ko na agad na kitang-kita niya sa mukha ko ang matinding gulat at pagkabahala. She knew. She found out that it was Dan. Ay mali, hindi lang pala siya dahil mukhang pati itong sila Aki at Warren ay alam na rin kung sino nga ba ang tinutukoy ko ng mga oras na 'yon.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Genç KurguRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...