Chapter 35

315 11 0
                                    

Kiss and make up

Dan's POV

Kulang na lang ay patayin ko sa tingin si Nicolo nang tuluyan na nga siyang makapasok sa loob ng kwarto namin. Pambihira naman kasi talaga ng timing niya.

"Hay sa wakas! Akala ko pa naman hahayaan niyo na lang akong lamukin sa labas eh." Ngingisi-ngisi pa ngang sambit nito bago prenteng naupo sa kama ko.

Pinanlakihan ko ng mga mata ang kumag, pero mukhang hindi naman nito nakuha ang ibig kong sabihin.

"So, ano na? Ano bang nangyari sayo at kinailangan mo pa talagang sumugod dito samin at mang-istorbo, ha?"

Hindi ko na nga napigilan pang itago ang pagkayamot sa boses ko. Naramdaman ko naman ang marahang paghampas ni Rem sa likod ko na para bang nagpapaalala.

"Aray naman, Dan. Istorbo talaga? Sus. Ngayon pa nga lang yata ako manghihingi ng tulong sa inyo eh. Sa kabila ng lahat ng kabutihang ginawa ko para sa inyo? Ganito lang pala ang igaganti niyo sakin? Asan ang hustisya?!"

Napailing-iling na lang kaming dalawa ni Rem nang sabihin iyon ni Nicolo habang umaarteng naiiyak.

"Tsk. Oo na, oo na. Sabihin mo na kasi kung anong problema at nang matapos na ang usapan." Sabi ko na lang.

Ang dami pa kasing pasakalye eh. Anong oras na rin kaya. Baka mamaya, maisipan pa ng lokong 'to na makitulog dito samin kapag masyado na siyang ginabi.

Napayuko si Nico at napahimas pa nga sa kanyang batok. Wari'y nag-aalangan sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Ano kasi, uhm..." Nagdalawang-isip na panimula nito.

"Ano?"

"Kasi ano..."

"Anong ano ba 'yan?!"

"Ahmm..." Sasabihin niya ba talaga o ano?

"NICOLO, ANO NA?!"

"TANGINA DAN, KAMI NA NI KUYA JULIAN!"

"Sus, maryosep. Iyon lang naman pala eh. Ano naman ngayon kung kayo na ni---- PUTA, ANO?!"

Bigla akong napatayo at hindi makapaniwalang napatitig kay Nicolo matapos niya iyong sabihin. Huli na nung mapagtanto ko kung kaninong pangalan ang binanggit niya.

Naramdaman kong pati si Rem na nasa tabi ko ay natigilan din at nabigla sa narinig.

"U-Ulitin mo nga yung sinabi mo? Namali lang naman siguro ako ng pagkakarinig, 'di ba?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

"Oo nga, Nicolo. Totoo ba talaga 'yan?"

Napahimas sa kanyang batok ang kausap namin. Marahan itong tumango, kasabay ng pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong hininga.

"Oo, totoo. Hindi ako nagbibiro o ano pa man. Oh ayan na ha, nasabi ko na. Tsaka, ba't ba parang gulat na gulat pa kayong dalawa? Akala ko, nahahalata niyo na rin ah?"

Nagkapalitan kami ng isang hindi makapaniwalang tingin ni Rem, bago sabay na bumaling muli kay Nicolo.

Sa lahat ng oras na lagi silang nagkakasama ni Kuya Julian... may iba na palang ibig sabihin 'yon?! Tsaka kelan pa 'to? Ba't wala man lang akong alam? Nahahalata? Eh ni sa panaginip nga'y hindi ko maisip na magkakagusto rin sa lalake si Kuya Julian, lalong-lalo na itong si Nicolo!

Hindi ba't panay pa nga ang pagpapapansin niya kay Memory noon? Palabas lang ba lahat ng 'yon?

***

Rem's POV

"Oh, magkape muna kayo."

Maingat kong inilapag ang dalawang mug ng kape sa lamesa. Nag-angat ng tingin sakin si Dan at hindi na ako nagulat nang bigla nitong itinaas ang kanyang isang braso para hapitin ako sa bewang at alalayang makaupo sa tabi niya.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon