Chapter 38

271 9 0
                                    

Stolen

Rem's POV

“Safe ka bang nakarating diyan sa inyo?”

Napangiwi ako sa naging bungad na tanong ni Dan.

“Love, hindi ko masasagot ‘tong tawag mo kung hindi ako safe na nakarating samin.”

Sarcastic kong sagot bago ko inayos ang posisyon ng phone ko para mas makita niya ko. Kasalukuyan kaming nagvi-video call. Kararating ko lang samin kaya heto at tumawag agad ang loko. Ganun niya ko kabilis ma-miss.

Well, I’m not gonna deny the fact that I miss him too, right now. Kanina pa lang kaming nagkalayo, pero pakiramdam ko'y isang buong araw na agad ang lumipas.

“Naninigurado lang naman ako, mahal.”

Nakangising tugon nito at nagsimula na namang maghubad ng suot niyang sando sa mismong harapan ko.

Pakiramdam ko tuloy, totoong nasa harapan ko lang siya ngayon at naghuhubad. Ramdam ko hanggang dito yung init ng katawan niya.

Tanginang ‘yan.

“Ba't ba ang hilig mong maghubad pag ganitong magka-video call tayo?” Kunwari'y naiinis kong tanong.

Mahinang tumawa lamang ang ungas bago padapang nahiga sa kama at ginulo-gulo ang medyo mahaba niya nang buhok. Pakiramdam ko nga, mas mahaba na ang buhok niya sakin ngayon.

“Mainit eh. Ikaw ba, di ka ba naiinitan diyan? Hubad ka na rin.”

“Tarantado!”

Muling natawa si Dan at ngayon nga’y mas malakas na kumpara kanina. Ang saya-saya talaga lagi ng gago kapag ganitong napipikon niya ko eh.

“By the way, hindi pa ba kayo maghahanda diyan? Akala ko ba bukas na ang celebration ng Wedding Anniversary nila mama at papa?”

Sasagutin ko na sana siya nang mapansin ko ang itinawag niya kila mom at dad.

“Sinong may sabi sayong pwede mo silang tawaging ganun, ha?” Ngumuso ang kaharap ko. Tsk, nagawa pa ngang magpa-cute.

Anyway, ang cute niya nga talaga pag ganitong umaarte siyang parang five years old. Kaya nga minsan, hindi rin ako makatiis.

“Bawal ba?”

Tanong nito habang nakanguso pa rin. Hindi ko na tuloy napigilan ang pag-alpas ng isang ngiti sa labi ko.

“Whatever. Anyway, bukas pa ng gabi ang party kaya bukas pa ng umaga ang preparations.” Paliwanag ko at nagsimula na ring gumapang papunta sa kama ko para mahiga.

Kinuha ko muna saglit ang phone ko at pagkatapos ay inipwesto sa tabi ko habang nahaharangan ng mga unan para hindi matumba.

“Ahh. Hmm sayang ano? Kung hindi lang din sana ako pinauuwi samin bukas, baka sumama na ko sayo diyan sa inyo.”

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Ngayon pa lang sumagi sa isip ko na baka pwedeng dumating yung araw na bibisita si Dan samin. Kapag nangyari ‘yon, how am I gonna introduce him to them?

A friend?

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba kasi ganito ka-complicated ang same sex relationship? Ano bang pinagkaiba namin sa mga straight na nagmamahalan din?

“Rem, you okay?”

Napakurap-kurap ako at napatingin kay Dan na kanina pa rin palang nakatitig sakin.

“Y-Yeah. I'm fine. Hmm kumain ka na diyan. Anong oras na oh.”

“Are you sure?” Tumangu-tango ako at ngumiti.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon