Chapter 41

230 9 0
                                    

Pay for everything

MASAKIT na ang ulo ko at ramdam ko na rin ang matinding pagkahilo sa dami nang nainom kong alak, pero wala pa sa plano ko ang tumigil. Bawat tungga ko, ay siya ring pagdaan sa isip ko ng mukha ni Rem.  Pakiramdam ko tuloy, imbes na mabawasan ang sakit, mas lalo lang pinalala ng alak ang nararamdaman ko ngayon.

Rem

Kumusta kaya siya sa mga oras na ‘to? Kumain na kaya siya?

Mapait akong napangiti. Kahit ipagtabuyan niya talaga ako, waepek. Masyadong loyal ang puso ko sa kanya na kahit aminado akong sobrang nasaktan ako sa ginawa niya, siya at siya pa rin ang inaalala ko.

“Dali, lapitan mo na!”

“Oo na, oo na. Eto na nga, ‘di ba?”

Sandaling nahinto ako sa malalim na pag-iisip nang maramdaman kong may tumabi sakin.

“Hi, kuya! Gusto mo ng kasamang uminom? Napaka-lonely mong tingnan dito eh.”

Binalingan ko ng tingin yung tumabi sakin. Hindi rin nagtagal sa kanya ang atensyon ko. Sinaid ko na muna yung natitirang alak sa bote na hawak ko bago ako tumayo at umaksyong aalis na.

“Ay, snobber!”

Hindi ko na pinansin pa ang komento nito. Nagdire-diretso lang ako sa paglabas, pero hindi ko inaasahang sumunod pala ito sakin.

“Kuya!”

Huli na para makailag pa ko sa ginawa nitong pagyapos sa braso ko. Ano bang problema ng isang ito? Masakit na nga ang ulo ko tapos ang gulo gulo niya pa.

“Hindi mo talaga ako papansinin? Broken ka, ‘no? Wag mo nang i-deny. Halata naman eh. Gusto mo, tayo na lang?”

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Muli ko siyang binalingan ng tingin at sa pagkakataong ito, mas nagkaroon na ko ng oras para pag-aralan ang hitsura niya. Sa tingin ko, high school student pa lamang ang isang ‘to. Napansin ko rin kasi kanina pagpasok ko na yung dalawa sa kasama niya ay pawang mga naka-uniporme na pang hayskul. Siya lang ang naka-casual outfit.

“Kung ako sayo, babalik na ko sa loob. Bukod sa masyado nang malamig dito sa labas, wala na ring masyadong tao sa daan. Hindi ko na kasalanan kapag napag-trip-an ka ng mga tambay sa tabi.”

Walang gana kong sabi. Akala ko ay babalik na talaga ito sa loob, gaya ng bilin ko pero bigla na lang ako nitong hinila-hila sa braso at impit pa nga siyang tumili na parang kinikilig.

“Final na talaga! Bet na talaga kita, kuya. Hindi ka lang pala talaga gwapo. Caring pa at in fairness ha, ang gwapo rin ng boses mo. Full package!”

Tiningnan ko siya na parang wala ni isa sa mga sinabi niya ang naintindihan ko. Naiiling na inalis ko na lang ang mga kamay niyang nakapulupot sakin bago ako nagpatuloy na sa paglalakad.

“Kuya, wait lang naman! Wag mo na nga kong sungitan diyan. Mukha lang akong bata, pero baka akala mo diyan... kayang-kaya rin kitang pasayahin.”

Huminto ako sa paglalakad. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga sa ere, bago ko siya nilingon. This time, seryoso na talaga ako at pikon na.

“Pwede bang itigil mo na lang ‘yang pagpapapansin mo sakin? Kasi kahit maghubad ka pa ngayon sa harapan ko, walang mangyayari. Wag mong sabihin sakin na kaya mo kong pasayahin dahil isang tao lang ang kayang pasayahin ako nang totoo at hindi ikaw ‘yon o kahit sino pa man sa mundo. Yung taong ‘yon, mahal na mahal ko at siya lang din ang mamahalin ko. No one could ever make me happy aside from him, aside from my Rem. No one. So please miss, get the hell out of my sight bago pa ko tuluyang mapikon sayo.”

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon