Chapter 3

638 33 3
                                    

Lights out

Dan's POV

"Hoy, Dan!"

Sa halos ilang oras na katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Rem, ito na mismo ang bumasag sa katahimikang iyon.

Binalingan ko siya ng tingin. Nagkalat pa sa sahig ang dalawang malalaking kahon na dala niya. Gayundin ang isang malaking travelling bag at bag pack niya.

"Ano yun?" Pakiramdam ko ay para ko lang ibinulong sa hangin ang tanong na 'yon sa sobrang hina ng pagkakasabi ko. Ako kasi mismo eh gulat na gulat sa mga pangyayari. Hindi pa talaga siya tuluyang napoproseso ng maliit kong utak.

Bumuntong hininga si Rem. Ramdam na ramdam ko ang pagod niya sa buntong hininga na 'yon.

"Mas matagal ka na rito. Baka naman pwede mong pakiusapan yung landlady na ilipat ako sa ibang kwarto."

Ako naman ang nagpakawala ng isang malalim na hininga sa ere. "Sa tingin mo, ganun kadali 'yon? Kung gagana 'yang plano mo eh di sana kanina ko pang ginawa. Punuan na halos lahat ng dorm dito. Sa tingin mo ba mapupunta ka sa kwartong 'to kung may iba pang bakante?" Pagpapaliwanag ko.

Napapikit ng mariin ang kausap ko habang hinihilot ang kanyang sentido. Daig niya pang negosyante na nalugi sa itsura niya.

"Eh kung makipagpalit na lang kaya ako sa iba?"

Umiling-iling ako. Nasisiraan na ba talaga ng bait ang isang 'to? Ganun na ba siya ka desperadong makaalis sa kwartong ito?

"Magkakakilala na ang mga nandito sa dorm na 'to. Komportable na ang lahat sa kani-kanilang mga kwarto. Sinong sira ang magpapaka-hassle na iwan ang nakasanayan na niyang kwarto at mag-impake ng mga gamit, para lang makipagpalit sayo ng room?" 

Natameme si Rem sa huling sinabi ko. Napaupo na siya sa kama na dati ay kay Benjamin.

"Tss. Pano na 'to ngayon?!"

Nagkibit balikat ako. "Sa tingin ko . . . kailangan mo munang pagtiisan na makasama ako sa iisang bubong." Na kahit ako ay hindi ko alam kung paano kong maaatim.

Kung iisipin, achievement na nga para saming dalawa itong nangyayari ngayon. Lumagpas kasi ang halos tatlong oras na hindi pa kami nagbubugbugan. Pero hindi ko masisigurong isang hakbang na ito para makipag-ayos kay Rem. Alam kong sa mga oras na 'to ay pinapatay niya na ko nang paulit-ulit sa isip niya.

"Hindi pwede 'to. Hindi talaga pwede 'to! Hindi kita pwedeng makasama sa iisang kwarto!"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, mga madlang pipol. Nagsisimula na namang mag-alburuto ang Bulkang Reminiscence.

"Sa tingin mo ba, sang-ayon din ako sa nangyayari ngayon? Ayaw rin naman kitang kasama sa iisang kwarto pero tanggapin mo na lang ang katotohanang wala ka nang magagawa. You'll be stuck with me, no matter how much you hate it."

Kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang ni Rem. Okay, Dan . . . tama na 'yan. Wag mo nang mas lalong palalain ang pagbabaga ng bulkan, kung gusto mong matapos ang gabing ito na mapayapa at walang dugo na dadanak sa kwarto mo.

"Ayoko nga! Ayokong kasama ka! Yung makita ko pa nga lang ang pagmumukha mo, pahirap na sakin eh. Makasama ka pa kaya?!"

Paulit-ulit kong pinaalalahanan ang sarili ko na kumalma na muna. Walang mangyayari kung sasabayan ko ang galit ni Rem. Pagod ako at gusto ko na lang magpahinga. Bukas ko na lang siguro iintindihin ang mga pangyayari.

"Bibili ako ng hapunan sa labas. May gusto ka bang ipabili?" Sinubukan kong maging kaswal sa pakikipag-usap sa kanya. Tulad ng inaasahan, hindi nito napawi ang nag-aapoy na galit sa mga mata niya.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon